Balitaan

Bakit Pangit maging Maganda?

  • Bakit Pangit maging Maganda?

    Raissa Azarcon

    Dahil ang maganda pinapatay

    Kung ikaw si Snow White at nalaman mo na balak kang patayin ng stepmother mo dahil lang maganda ka, anong gagawin mo? Papapangitin mo ba ang sarili mo para lang matapos na ang death threats sa’yo?  Sa totoong buhay kung saan walang seven dwarfs at ilusyon lang si Prince Charming, ang maging Snow White ay isang sumpa. Oo, mahirap maging fairest of them all dahil kahit ‘di ka man makatanggap ng poisoned apple ay makakatanggap ka naman ng mga deadly glares  na mas nakakalason.

    Dahil ang maganda kadalasan walang boyfriend

    May mga magaganda  na ‘yung tipong masilayan lang solb ka na, hindi mo na tatangkaing ligawan pa. Nakaka-intimidate kasi o mas tamang sabihing nakaka-torpe. Madaling kaibiganin pero nakakatakot ligawan lalo na kapag “crush ng bayan”.

    Dahil ang maganda unforgettable

    Pag na-late ka at maganda ka, hindi lang grand entrance kundi grandest entrance ang dating mo.  Hindi ka man mapagalitan ng prof, madali naman niyang mabibilang  at mamememorize ang mga late at absences mo dahil markado sa utak niya ang MAGANDA mong mukha.

    Dahil ang maganda laging may stalkers

    Kung maganda ka, tanggapin mo na lang na parte na sila ng buhay mo sa ayaw mo man o hindi. Iba-ibang uri sila. May mga stalker na inaabangan ka sa mga ruta mo sa school para lang makapag-hi.  Meron naman na hinahalukay yung mga posts mo sa FB tapos ila-like yung mga status mo na 2 years ago mo pa pinost. Magtataka ka na lang. Tapos meron din na daig pa ang nanay mo kung makapagtext sa’yo.  Puro “hi”, “good morning”, “good blah-blah-blah” lang naman ang gustong sabihin. Yung ibang uri ng stalkers, bahala ka na lang mag-imagine.

    Dahil ang maganda dapat laging may dalang balabal at payong

    Pantakip sa mukha in case mapadaan ka sa mga sidewalk o eskinita na maraming tambay o may session ng inuman. Ito ay shield sa mga mata ng mga tambay na may balak mag-“hi” at mag-“ingat miss” sa’yo. Hampasin mo ng payong kapag nilapitan ka pa rin despite the disguise and all.

    Dahil ang maganda ninanakaw ang mga papers at bluebook

    Hindi mo na malalaman kung saang part ng exam ka nagkamali o ano’ng weak point sa essay mo dahil may kung sinong nagnakaw nito. Kahit itaob mo pa ang box na iniwan ng prof niyo sa harap ng room niya sa FC eh wala ka nang mapapala. Pati mga exams at papers mo pinagka-interesan na rin na para bang relic ng isang santo. Ganyan ang mangyayari sa’yo taun-taon. Walang palya. Wish mo lang ‘wag nilang gawin ‘yun sa thesis mo.

    Dahil ang maganda dapat laging maganda

    Anytime, anywhere dapat maganda ka kung ayaw mong may kumalabit sa’yo at magcomment ng “Anyare sa’yo, teh?” na para bang napakalaking issue na kapag medyo tumaba ang eyebags mo o nagkaroon ka ng isang pimple sa noo. Dahil nakasanayan na ng mga mata nila na lagi kang fresh, cute at maganda, pupunahin nila maski mumunting blackhead sa ilong mo. Watdaeff.

About KALasag (Opisyal na Papel Pampahayag ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas)

KALasag, ang Opisyal na Papel Pampahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang magsisilbing pahayagan ng mga pananaw, usapin at paninindigan ng mga estudyante hinggil sa mga mahahalagang isyu. Ito rin ay magiging daan tungo sa pagbuo ng identidad ng kolehiyo at paghahanap ng lugar nito sa pamantasan at lipunan.

Discussion

Comments are closed.

BREAKING NEWS | FACEBOOK

KALasag sa Twitter

  • The assembly is adjourned. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • The body selects Raoul Manuel as the next Student Regent via consensus. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP Visayas selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UPM SHS Palo selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP DEPP selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
%d bloggers like this: