Balitaan

KALasag, maglilimbag ng Literary Folio

Ang KALasag, opisyal na papel pampahayagan ng Kolehiyo na Arte at Literatura ay magpapalimbag ng Literary Folio ngayong darating na summer term. Iniimbitahan ang lahat ng mag-aaral ng ating kolehiyo at unibersidad pati na rin ang mga progresibong organisasyong pang sining at panitikan at ang mga kabataang nasa industriya ng gawaing peryodismo.

Sumasaklaw ang tema sa konseptong KALas, pagKALas sa lipunan, pagKALas sa dating buhay, pagKALas sa pag-ibig, pagKALas sa relihiyon, pagKALas sa kultura, pagKALas sa sistema atbp.

Posible kayong magpasa ng mga tula/poems, maikling kwento/short stories, sanaysay/essay, nobela/novel, haiku, mga pinta/paintings, likhang sining na poster, litrato/photos at visual edited photo picture. Sa kalagayan ng mga panitikang likha, maari itong nasa kahit anong anyo ng wika, walang limitasyon sa bilang ng mga salitang gagamitin. At sa para  naman sa mga likhang sining, kailangan itong naka-save sa pdf file.

Ang deadline ng pagpapasa ay hanggang ika-30 lamang ng Marso. Maari ninyong isend sa kalasag_cal@yahoo.com, maari niyo ring kontakin si Jian Carlo R. Gomez sa numerong 09353609019 o kahit sinong manunualat ng KALasag.

About KALasag (Opisyal na Papel Pampahayag ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas)

KALasag, ang Opisyal na Papel Pampahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang magsisilbing pahayagan ng mga pananaw, usapin at paninindigan ng mga estudyante hinggil sa mga mahahalagang isyu. Ito rin ay magiging daan tungo sa pagbuo ng identidad ng kolehiyo at paghahanap ng lugar nito sa pamantasan at lipunan.

Discussion

Comments are closed.

BREAKING NEWS | FACEBOOK

KALasag sa Twitter

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

%d bloggers like this: