Balitaan

Bukas na paanyaya sa lahat ng mga pahayagang pangmag-aaral, mga organisasyon at mga konseho

Bukas na paanyaya sa lahat ng mga pahayagang pangmag-aaral, mga organisasyon at mga konseho

Magandang araw!

Malugod na inaanyayahan ng Solidaridad UP Systemwide Alliance of Campus Publications and Writers’ Organizations ang inyong pahayagan, organisasyon o konseho sa gaganaping 2012 Solidaridad Systemwide Congress sa darating na Abril 29-May 1 sa UP Diliman, Quezon City. Pangungunahan ang Congress ng Soldaridad- Diliman Chapter.

Layunin ng Solidaridad Congress na pagsama-samahin ang lahat ng mga miyembrong publikasyon, mga pahayagang pangmag-aaral at mga organisasyong pangmanunulat sa buong UP System upang talakayin ang kalagayan ng lahat ng mga sangay ng Solidaridad sa buong UP at pag-usapan ang mga isyung kinahaharap ng mga publikasyon. Mayroon ring journalism skills training, socio-political discussions at marami pang iba.

Mayroong P400 na registration fee para sa bawat delegadong lalahok na sakop ang pagkain, matutuluyan, at kits, samantalang P150 naman kung hindi kasama ang pagkain at matutuluyan.

Para sa iba pang katanungan, maaaring ipaabot ang inyong mga katanungan sa Facebook account na Solidaridad Upd, upsolidaridadsystem@gmail.com o sa numero sa ibaba, hanggang Abril 25, 5 n.h.

Inaasahan ang pagdalo ng pinakamaraming kinatawan at mga kasapi ng Solidaridad mula Luzon, Visayas at Mindanao upang komprehensibong matasa ang pangkabuuang kalagayan ng mga pahayagang pangmag-aaral at mga organisasyong pangmanunulat.

Maraming salamat!

Para sa malayang pamamahayag,

Kevin Mark R. Gomez
Consul-General, UP Solidaridad Diliman
+63.916.6052.559

By Solidaridad UP-Diliman

About KALasag (Opisyal na Papel Pampahayag ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas)

KALasag, ang Opisyal na Papel Pampahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang magsisilbing pahayagan ng mga pananaw, usapin at paninindigan ng mga estudyante hinggil sa mga mahahalagang isyu. Ito rin ay magiging daan tungo sa pagbuo ng identidad ng kolehiyo at paghahanap ng lugar nito sa pamantasan at lipunan.

Discussion

Comments are closed.

BREAKING NEWS | FACEBOOK

KALasag sa Twitter

  • The assembly is adjourned. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • The body selects Raoul Manuel as the next Student Regent via consensus. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP Visayas selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UPM SHS Palo selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP DEPP selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
%d bloggers like this: