Balitaan

Demolisyon sa Paranaque, nauwi sa karahasan

Demolisyon sa Paranque, nauwi sa karahasan

Nauwi sa karahasan at tensyon ang naging pagkilos ng mga militanteng grupo kasama ang mga mamamayan ng Silverio Compound sa Paranque matapos ang tahasang dispersal ng kapulisan ngayong araw, Abril 23.

Sa kakapasok lamang na balita, kompirmadong meron ng isa (1) na napaslang  at meron ding ilang napabalitang nasutagan dahil di umano sa pamamaril ng mga pulis.

Nasabing babakantehin ang 9.2 ektaryang lupain ng Silverio upang bigyang daan ang planong condominium project ng SMDC na makaka-apekto sa mahigit 28,000 na pamilya.

Ngunit mariing itinanggi ni Paranque City Mayor Juan Bernabe na hindi makakatotohanan ang napabalitang pagpapatayo ng condominium ng SMDC na pagmamay-ari naman ni Henry Sy na kamakailan lamang ay nagkaroon din ng isang mabigat na pagkilos ang mga militante sa isang mall na kanyang pinatatakbo matapos nitong ipaputol ang mga puno sa Baguio City upang bigyang daan ang pinapatayo rin nyangt establisyamento.

Kung mapapansin, naging sunod-sunod ang demolisyon sa ka-Maynilaan tulad na lamang sa Brgy. Corazon de Jesus sa San Juan City, noong Nobyembre 2010 sa Brgy. San Roque sa North Triangle, Quezon City, at marami pang iba. Nag-uugat ang lahat sa programa ni Pangulong Aquino na Public-Private Partnership na bugkos ang epekto sa mga maralitang tagalungsod.

Photo Credit to tudla.org

About KALasag (Opisyal na Papel Pampahayag ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas)

KALasag, ang Opisyal na Papel Pampahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang magsisilbing pahayagan ng mga pananaw, usapin at paninindigan ng mga estudyante hinggil sa mga mahahalagang isyu. Ito rin ay magiging daan tungo sa pagbuo ng identidad ng kolehiyo at paghahanap ng lugar nito sa pamantasan at lipunan.

Discussion

Comments are closed.

BREAKING NEWS | FACEBOOK

KALasag sa Twitter

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

%d bloggers like this: