Balitaan

Pandaigidigang Araw ng Malayang Pamamahayag at pagsusuri sa kalagayan ng Media sa Ilalim ng Intuil na administrasyong Aquino

College Editors Guild of the Philippines-Palawan

Pandaigdigang Araw ng Malayang Pamamahayag

Ika-3 ng Mayo 2012-Ngayong araw ay ginugunita ng ating mga kasama sa midya ang pandaigdigang araw ng malayang pamamahayag. Sa kabila nito, patuloy parin nating nararanasan ang latay ng pasismo ng estado at ng iilang nasa kapangyarihan upang busalan ang ating bibig at takpan ang ating mga tenga at mata, patunay na ang Pilipinas, bagaman sinasabing isang demokratikong bansa ay isa sa mga pinakadelikadong bayan para sa mga tagapaghatid ng balita.

Isa sa mga ipinamandila ni Pnoy noong nangangampanya pa lamang siya –  ang puspusang pagbibigay ng hustisya para sa mga naging biktima ng pampulitikang pamamasalang sa ilalim ng administrasyong Arroyo. Kabilang dito ang mga napatay sa Maguindanao Massacre kung saan 32 ang nasa hanay ng pamamahayag. Ngunit matapos ang halos dalawang taon ng kaniyang panunungkulan ay patuloy na nilumot ang hustisya para sa ating mga kapatid sa midya, bagkus ay lalong tumaas ang bilang mga mamamahayag at brodkaster na walang awang pinagpapalasyang kaugnay sa kanilang propesyon.

Maging dito sa Palawan, mahigit isang taon na nang mapatay ang brodkaster na si Doctor Gerry Ortega sa ilalim ng inutil na administrasyong Aquino, ngunit hanggang ngayon ay ni-walang malinaw na aksiyon ang pamahalaan ukol sa kaso. Isang manipestasyon na hindi seryoso ang Pangulo sa mga pangakong binitiwan at walang konkretong plano pagpapanagot sa mga may sala sa walang humpay na pambubusal sa bibig ng mga mamamahayag ng hindi kailanman nagsawang magsiwalat ng katotohanan.

Nitong nakaraang Linggo lamang ay naging masama rin ang loob ng ating pangulo dahil sa mga negatibong balita na lumalabas sa mga pahayagan at telebisyon, kung ganito ang kalagayan, hindi maaring punahin ng ating pangulo ang midya, bagkus ay dapat niyang pagtuunan ng pansin ang mga isyung dapat ay binibigyan niya ng malinaw na kasagutan upang maresolbahan. Hindi ang tagapagbalita ang may kasalanan kundi ang sistemang umiiral. Dahil ang mali ay mas madaling makita, at sa pamahalaang puros kapalpakan, marapat lang na ito’y malaman ng taong bayan upang mayanig ang mga nakatataas na baguhin ito.

Ang pamamahayag ay isang porma ng pakikibaka.

 

Nakikibaka ang bawat mamamahayag upang baguhin ang mga pagkakamaling marapat lamang na ipabatid sa sambayan upang maisatupad ang kolektibong pagkilos at maiangat ang estado ng lipunan. Nagkakamali ang estado kung kikitlin nila ang buhay ng isang tagapagbalita, dahil namamatay ang isang mamamahayag, ngunit hindi ang puspusang pakikibaka at diwang makabayan ng mga alagad ng midya.

Sumulong, Sumulat, Manindigan At Magmulat!

From CEGP-Palawan

About KALasag (Opisyal na Papel Pampahayag ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas)

KALasag, ang Opisyal na Papel Pampahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang magsisilbing pahayagan ng mga pananaw, usapin at paninindigan ng mga estudyante hinggil sa mga mahahalagang isyu. Ito rin ay magiging daan tungo sa pagbuo ng identidad ng kolehiyo at paghahanap ng lugar nito sa pamantasan at lipunan.

Discussion

Comments are closed.

BREAKING NEWS | FACEBOOK

KALasag sa Twitter

  • The assembly is adjourned. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • The body selects Raoul Manuel as the next Student Regent via consensus. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP Visayas selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UPM SHS Palo selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP DEPP selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
%d bloggers like this: