Balitaan

University Freshmen Welcome Assembly, sinalubong ng STAND UP

University Freshmen Welcome Assembly, sinalubong ng STAND UP

Sinalubong ng Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND UP) ang katatapos lamang kamakailan na Freshmen Welcome Assembly na ginanap noong nakaraang 13 ng June, 9:AM ng umaga sa UP Theater.

Idiniin ng bagong halal na Rehente ng mga Mag-aaral na si Cleve Arguelles ang tema ngayong taon na “Kahusayan at Karangalan sa Paglilingkod sa Bayan” na ang mga bagong Iskolar ng Bayan ay kailangang maging muwang at maalam sa paglilingkod para sa bayan gayong pinopondohan ng gobyerno ang pamantasang kanilang pinapasukan na galing sa buwis ng taong bayan.

Sa pagbubukas ng pasukan ngayong taon, sinalubong ng mga iskolar ng bayan ang malaking isyu na kumakaharap sa implementasyon ng iskemang STFAP na mula 1000 pesos kada unit ay tataas hanggang 1500 kada unit. Ang nasabing pagtaas ng tuition na dala ng nasabing iskema ay nagkaroon ng malaking epekto sa lahat ng mga mag-aaral na kinakailangan pang patunayan ang kanilang kahirapan sa pamumuhay upang hindi mapabilang sa mataas na bracket at kung sino ang hindi makapagpatunay ng kanilang hirap na estado sa buhay, awtomatiko itong babagsak sa bracket B o bracket A. Sinabi ng progresibong organisasyon na ito ay malayo sa katotohanan ng UP bilang isang state university na dapat sana ay naglalako ng murang edukasyon ngunit mataas ng antas ng kalidad ng edukasyon gayong ang UP ay kinikilalang Pambansang Unibersidad.

Nasabi rin ng grupo na isa lamang ito sa mga malalaking isyu na kahaharapin ng mga bagong saltang iskolar sa pagpasok nila sa komunidad ng UP. Nabanggit din nilang ito ay isang malaking katibayan ng komersalisasyon sa edukasyon at tahasang pag-ulila sa estado ng bayan ng pamahalaang Aquino na maranasan ng bawat mamamayan ang kalidad ng edukasyon at iba’t-ibang serbisyong panlipunan.

Serbisyo para sa bayan, para sa mamamayan
Binigyang diin din ni Arguelles kung papaano binubukbok ng kasalukuyang pamahalaan ang mga serbisyong panlipunan sa paraan ng komersalisasyon. Nabanggit nya dito ang ilang manipestasyon ng komersalisasyon sa loob mismo ng PGH na kung bakit nagkaroon ng isang pribadong pagamutan sa loob ng isang pampublikong ospital, ang kwestyonableng pagkakaroon ng private resort sa ilang unit ng UP at ang kontrebersyal ng UP-Ayala Land TechnoHub. Makikita dito kung papaano gumagawa ng sariling pamaraanan ang pamahalaan ng UP upang magkaroon ng sariling pagkukunan ng pondo, tinuturuan ng kasalakuyang estado ang mga SUCs na maging self suffcient.

Education is a RIght
Sa isyu naman na ipinapakita ng STFAP, lumalabas na kung wala kang pambayad sa mahal na bracketing scheme, wala kana ring pagkakataon na makapag-enrol, o lumalabas na ang pag-aaral sa UP ay isa na lamang pribilehiyo na taliwas sa pagkakakilanlan ng UP bilang isang Unibersidad na lilikha ng mga taong bayan na mag-aalay ng kanilang serbisyo para sa nakakaraming bilang.

About KALasag (Opisyal na Papel Pampahayag ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas)

KALasag, ang Opisyal na Papel Pampahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang magsisilbing pahayagan ng mga pananaw, usapin at paninindigan ng mga estudyante hinggil sa mga mahahalagang isyu. Ito rin ay magiging daan tungo sa pagbuo ng identidad ng kolehiyo at paghahanap ng lugar nito sa pamantasan at lipunan.

Discussion

Comments are closed.

BREAKING NEWS | FACEBOOK

KALasag sa Twitter

  • The assembly is adjourned. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • The body selects Raoul Manuel as the next Student Regent via consensus. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP Visayas selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UPM SHS Palo selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP DEPP selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
%d bloggers like this: