Balitaan

Takbo para sa ‘Hustisya’

Takbo para sa 'Hustisya'

Rep Mon Palatino kasama ang magulag ni Karen at She, at ilang lider organisasyong masikhay na nakilahok sa pagtakbo.

nina Angela Angala at Gerald Gamboa

“This is not a fun run, dahil hindi fun ang paglabag sa karapatang pantao.”

Ginanap noong ika-22 ng Hunyo, 2012 ang ikalawang taon ng “Run For Your Life” sa ganap na alas-5 ng hapon, sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman Academic Oval na nilahukan ng mahigit isang daan ng mga estudyante, faculty at iba’t ibang organisasyon sa unibersidad pati narin ang mga organisasyong nagsusulong ng karapatang pantao na inikot ang 4.4 kilometro ng walking lane.

Layunin nitong bigyang hustisya ang mga nawawalang estudyante ng UP na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan at ilan pang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao, tulad nina Ericson Acosta, James Balao, at Maricon Montajes na pawang mga estudyante ng U.P. Diliman.

Matatandaang sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno ay dinukot mula sa kanilang inuupahang bahay habang gumagawa ng pananaliksik tungkol sa mga magbubukid ng Bulacan. Gugunitain ngayong darating na June 26 ang ika-anim na taon ng pagkakawala ng dalawang iskolar ng bayan matapos ang itinuturong salarin sa pangyayaring ito ay si Major General Jovito Palparan Jr. na hanggang ngayon ay Malaya paring nakakatakas at napapabalitang itinatago lamang ng mga kasamahan nitong military.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pagsasalita nina Jejeth Stella na nagsabing nagpapatuloy pa rin ang paglabag sa karapatang pantao at hindi nakakamit ang hustisya. Sinabi rin niya na talamak ang mga ganitong kaso ng paglabag sa Timog na bahagi ng probinsya ng Quezon, kasama ang Bondoc Peninsula.

Sina Gng. Connie Empeno, at Gng. Erlinda Cadapan ay nagpahayag ng kanilang saloobin sa pagkawala ng kanilang mga anak, ani nila, hindi sila titigil hanggang hindi nila nakakamit ang hustisya para sa kanilang mga anak.

“Ang programang ito ay panawagan din sa libu-libong biktima ng paglabag sa karapatang pantao” ayon kay U.P. Assistant Vice President for Public Affairs, Propesor Danny Arao na nagpahayag din ng mensahe sa programa.

Pinangunahan nina Gng. Empeno at Gng. Cadapan, kasama si Kabataan Partylist Representative Raymund Palatino na dating kasamahan ni Sherlyn sa U.P. ang pagtakbo tungo sa pakikipaglaban para sa hustisya.

Naging atraksyon ang simbolikong pag-aresto kay Maj. Gen. Jovito Palparan Jr. na kung saan ito ay ikinulong sa isang ginawang selda.

Nagwakas ang programa sa pagsigaw para sa pagkamit ng hustisya ng dalawa at ng iba pang biktima ng paglabag sa karapatang pantao

Pauline Gidget Estella, CEGP National President. “Run for your Life”.

Rep Mon Palatino kasama ang magulag ni Karen at She, at ilang lider
organisasyong masikhay na nakilahok sa pagtakbo.

About KALasag (Opisyal na Papel Pampahayag ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas)

KALasag, ang Opisyal na Papel Pampahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang magsisilbing pahayagan ng mga pananaw, usapin at paninindigan ng mga estudyante hinggil sa mga mahahalagang isyu. Ito rin ay magiging daan tungo sa pagbuo ng identidad ng kolehiyo at paghahanap ng lugar nito sa pamantasan at lipunan.

Discussion

Comments are closed.

BREAKING NEWS | FACEBOOK

KALasag sa Twitter

  • The assembly is adjourned. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • The body selects Raoul Manuel as the next Student Regent via consensus. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP Visayas selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UPM SHS Palo selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP DEPP selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
%d bloggers like this: