Balitaan

Nilulusong na pag-asa, -CEGP

 

KABATAAN, nanguna sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad

Kasalukuyang nangangalap ng tulong, donasyon at gamit ang Kabataan Partylist, College Editors Guild of the Philippines, National Union of Students of the Philippines, League of Filipino Students, Student Christian Movement of the Philippines, Anakbayan, Karatula at iba’t ibang organisasyon ng kabataan para sa mga nasalanta ng masamang panahon ngayong linggo.

Mahigit 1.2 milyong indibidwal o katumbas ng 270,000 pamilya na ang apektado ng pagbaha dulot ng tuluy-tuloy na buhos ng ulan sa Kalakhang Luzon nito lamang nagdaang limang araw. Sa kasalukuyan, mahigit 783,000 katao sa 90 munisipalidad at lungsod na ang nagsisiksikan sa mga evacuation centers sa iba’t ibang parte ng Timog katagalugan, Gitnang Luzon at Kamaynilaan.

Ngayong araw ay inilabas ng administrasyong Aquino ang 5.9 bilyong pisong Calamity fund mula sa 7.5 bilyon para sa kasalukuyang taon. Ngunit ayon sa Republic Act 10121, batas na nagsasaad kung kailan at saan dapat gamitin ang pondo ng pamahalaan sa panahon ng sakuna, 70% ng pondo ay marapat na gamitin sa “disaster risk reduction” o paghahanda upang maiwasan ang mga pangyayaring maari sanang agapan tulad ng pagbaha. Ngunit sa kalagayan, tila kinulang ang pamahalaan sa paghahanda sa papalapit na delubyong ngayon ay kinakaharap na natin.

Sa katunayan itinigil ng rehimeng Aquino ang 1.9 bilyong pisong halaga ng flood control projects sa mga lugar sa Luzon na kadalasang binabayo ng baha. Kung sakali’y makapagpapababa sana ito ng epekto ng sakuna lalong lalo sa Metro Manila na pinaka nasalanta ng masamang panahon.

Patuloy namang lumalabas na ang may kasalanan sa malaking bilang ng mga nasalanta ng bagyo ay ang mismong mga maralitang taga-lungsod, itinuturong walang disiplina ang ating mga kababayan. Kung uugatin ang problema, dudulo ito sa laganap na kahirapan sa ating bansa. Patuloy na tinitiiis ng  mga maralitang taga-lungsod ang pagtira sa gilid ng ilog at estero dulot ng kawalan ng maayos na pabahay ng gobyerno, Kakulangan sa matino at nakabubuhay na pasahod, patuloy na kawalan ng sariling industriya ng Pilipinas at neo-liberal na polisiyang ipinapatupad ng rehimeng Aquino.

Pinipili ng ating mga kababayan ang manatili sa kanilang mga tahanan dulot ng kawalan ng maayos na relokasyon at pabahay. Pinatutunayan nito ang paglubog sa baha ng marami sa kilalang relocation site tulad ng Montalban at Rodriguez, Rizal, dagdag pa ang kawalan ng matinong patubig, ilaw at kabuhayan.

Samantala, nananawagan ang “Bantay Bigas” na ipamahagi na ng pamahalaan ang nakumpiskang 420,000 sako ng bigas sa Subic Bay na pinaghihinalaang ipinuslit mula sa ibang bansa

Sa mga panahong tulad nito, hindi na sasapat pa ang magtiwala lamang sa magagawa ng pamahalaang kapos sa mga proyekto upang protektahan ang kaniyang mamamayan. Pagkakaisa at sama-samang pagkilos ang kailangan upang maibsan ang pinsalang dulot ng mga kalamidad, na pinalala pa ng mga taong kunwari’y nagsisilbi sa bayan.

Bilang tugon sa lumalalang kakulangan sa maagap na aksiyon ng pamahalaan, ang CEGP, katuwang ang Kabataan Partylist ay nagsasagawa ng mga relief operations sa iba’t ibang panig ng Metro Manila at karatig na probinsiya, para sa mga nagnanais na magingvolunteer, sadyain lamang ang aming website “cegp.org” at hanapin ang volunteer form, maari rin kayong magpadala ng inyong mga donasyon sa University of the Philippines, College of Human Kinetics Main Gym.

About KALasag (Opisyal na Papel Pampahayag ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas)

KALasag, ang Opisyal na Papel Pampahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang magsisilbing pahayagan ng mga pananaw, usapin at paninindigan ng mga estudyante hinggil sa mga mahahalagang isyu. Ito rin ay magiging daan tungo sa pagbuo ng identidad ng kolehiyo at paghahanap ng lugar nito sa pamantasan at lipunan.

Discussion

Comments are closed.

BREAKING NEWS | FACEBOOK

KALasag sa Twitter

  • The assembly is adjourned. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • The body selects Raoul Manuel as the next Student Regent via consensus. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP Visayas selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UPM SHS Palo selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP DEPP selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
%d bloggers like this: