Balitaan

Noli Me Tangere: The Opera

Noli Me Tangere: The Opera
ni Gerard Gamboa

Muli nanamang nagpakita ng galing at talento ang Dulaang UP, kasama ng Department of Speech Communication and Theatre Arts, College of Arts and Letters matapos nilang ipakita ang isang obra maestra na naglalayong ipakita ang kasaysayan sa likod ng akdang itinago sa lipunan, ang “Noli Me Tangere: The Opera.”
Halaw sa nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal na “Noli Me Tangere” noong panahon ng kilusang propaganda upang imulat ang mga kabuktutan at kamalian sa pagpapalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Sa pangunahing pagganap nina: Arman Ferrer, na gumanap bilang si Crisostomo Ibarra; Myramae Meneses bilang si Maria Clara; Chuck Hipol bilang si Elias; Jonathan Velasco bilang si Padre Damaso, at si Jean Judith Javier bilang si Sisa.
Sa pamumuno sa produksyon nina:
Alexander Cortez – Overall Director
Camille Lopez Molina – Musical Director
Dexter Santos – Choreography
Gino Gonzales – Production Design
Jonjon Villareal – Lighting Design
Winter David – Video Design
Jethro Joaquin – Sound Design
Paul Gaerlan – Special Props
Ohm David – Technical Director
atte Sabate, Christian Avarado, Pow Santillan – Dramaturg
Jojit Lorenzo – Photography
Dino Dimar – Additional Photography
Noel Dela Rosa, Farley Asuncion – Pianist
Gretter Campo, Brian Sapigao – Flutist.
Naiiba mula sa karaniwang ipinapalabas na Noli sa ibang teatro dahil karaniwan ay pabigkas ang mga dayalogo.  Ang “Noli Me Tangere: The Opera” ay ginamitan ng isang naiibang pag-atake dahil imbis na dayalogo ang ginagamit sa dula, isinasagawa ito sa pa-awit na paraan.
Sinimulan ang dula sa eksena ng hapunan sa bahay ni Kapitan Tiago, kung saan ipinakilala si Crisostomo Ibarra, at itinatwa ni Padre Damaso ang kanyang ama. Sinundan ito ng tagpong nagsusuyuan sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra sa asotea na siyang ikinabigay ni Maria Clara at hinalikan si Ibarra sa labi. Ipinakita rin dito ang pagtapon ng bangkay ng ama ni Ibarra sa ilog, dahil di na kayang dalhin ng sepulturero sa libingan ng mga Intsik na siyang utos ni Padre Damaso. Humantong ito sa tagpong tinutukan ni Ibarra ng kutsilyo si Damaso na naging dahilan ng kanyang pagiging eskomulgado.
Kasama rin sa dula ang pagpapahirap ng mga sakrisan kina Basilio at Crispin na pinagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa. Hindi rin mawawala ang pagpapahirap ng mga gwardiya sibil kay Sisa na anging sanh ng kanyang pagkabaliw. Ipinakita rin sa dula ang pagliligtas ni Ibarra kay Elias sa pag-atake ng buwaya nang sila ay namamangka sa lawa. Sa kalagitnaan, nagkaroon ng 10 minutong pagitan tungo sa susunod pang mga eksena.
Sa mga sumunod na eksena ipinakita ang pagkakasakit ni Maria Clara bunsod ng pagkaka eskomulgado ni Ibarra. Ipinakita rin ang pagdating ni Linares, ang pamangkin ni Donya Victorina at Tiburcio de Espadana. Ipinakita rin ang kaguluhan sa kwartel na siyang nagdiin kay Ibarra sa isang pagkakasala, at maging isang tulisang pinaghahahanap ng mga gwardiya sibil. Makabagbag damdaming tagpo ang pag-amin ni Padre Damaso na siya ang ama ni Maria Clara at ang muling pagkikita nina Basilio at Sisa sa gubat. Nagwakas ang dula sa eksenang namatay si Elias at sinunog ni Basilio ang kanyang bangkay kasama ng kanyang Ina.
Lubos na nakatulong sa pagpapaganda ng dula ang disenyo ng entablado na ginawa ng mga estudyante mula sa College of Fine Arts. Makikita mula sa pagkakadisenyo ng entablado ang pagkakatulad sa inilarawan ni Dr. Jose Rizal sa kanyang nobela. Nagamit ang pagkakadisenyo nito sa lahat ng eksena sa dula.
Maganda rin ang pagkakaroon ng sound effects sa dula. Nakatulong ito upang lalong maramdaman ng manonood ang mga eksena sa dula. Ang mga putok ng baril at iba pang tunog ay nakatulong upang maging realistiko ang eksena.
Maganda ang pa-awit na paraan bilang dayalogo, mas nakalilibang panoorin dahil sa iba’t ibang kulot ng boses na sinasamahan ng mga galaw na nakakatulong sa pagpapalabas ng karakter ng mga tauhan. Ngunit minsan sa sobrang taas ng mga nota, mahihirapan ang manonood na intindihin ang sinasabi ng mga tauhan.
Nagampanan nang mabuti ng mga gumanap ang tauhan na kanilang isinasabuhay. Kahangahanga ang pagganap nila dahil naisabuhay nila ang karakter na ipinapakita ni Rizal sa kanyang nobela. Nagningning sa dula ang mga gumanap bilang Crisostomo Ibarra at Maria Clara dahil nakikita sa kanilang pag -arte ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.
Nagampanan naman ng husto ni Jean Judith Javier ang karakter ni Sisa, bilang isang babaeng nabaliw dahil pinagmalupitan ng mga gwardiya sibil at inang naghahanap sa kanyang mga nawawalang anak. Pinakamagandang bahagi ng dula ang eksena nina Basilio at Sisa dahil damang dama ang mga emosyon ng isang ina at anak na muling magkita matapos mawalay sa isa’t isa nang matagal.
Masasabi natin na hindi naging mailang ang Dulaang UP sa bawat panig ng istoryahe nilang ipinakita.
Sa kabuuan, matagumpay ang “Noli Me Tangere: The Opera”. Hindi man kaparehong-kapareho ng orihinal na nobela ni Dr. Jose Rizal dahil ito’y pinaikli at pinagkasya sa loob ng 2 oras, naroroon pa rin ang aral at mensaheng nais ipahatid ng akda sa mamamayan. At naipahatid ito sa di pangkaraniwang paraan.
Abangan naman ang susunod na ihahandog ng Dulaang UP, ang “The Seagull” sa direksyon ni Dr. Antonio Mabesa, na nakatakdang ipalabas sa darating na Setyembre.

About KALasag (Opisyal na Papel Pampahayag ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas)

KALasag, ang Opisyal na Papel Pampahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang magsisilbing pahayagan ng mga pananaw, usapin at paninindigan ng mga estudyante hinggil sa mga mahahalagang isyu. Ito rin ay magiging daan tungo sa pagbuo ng identidad ng kolehiyo at paghahanap ng lugar nito sa pamantasan at lipunan.

Discussion

Comments are closed.

BREAKING NEWS | FACEBOOK

KALasag sa Twitter

  • The assembly is adjourned. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • The body selects Raoul Manuel as the next Student Regent via consensus. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP Visayas selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UPM SHS Palo selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP DEPP selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
%d bloggers like this: