Balitaan

Estudyante ng BA Malikhaing Pagsulat, naglunsad-aklat sa Cool Beans

 

 

Image

 

 Kuha ni Tony Reyes

 

Ganap na inilunsad ang koleksyon ng mga kwento ni Nonong Ordonez, ang Ehersisyo Para sa Lumpo nitong ika-31 ng Mayo sa  Cool Beans, Maginhawa. Si Nonong Ordonez o mas kilala sa pangalang Roca ay kasalukuyang estudyante ng BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino (MP) sa ilalim ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP).

Dinaluhan ng mga kaibigan, kaklase sa MP, at mga miyembro ng organisasyon ng DFPP ang nasabing lunsad-aklat upang ipakita ang suporta sa matagumpay nitong pagsasalibro ng kanyang mga akda. Nagkaroon ng maiksing programa kung saan bumasa ang mga sipi mula sa libro ang mga batang makata na sina Mark Fortaleza, Lemuel Magaling, Arlo Mendoza, at Ricky Ornopia.

“Inilagay kong lahat [ng mga nagawang kwento, essay, dagli] sa koleksiyon para uriratin ang mambabasa.  Iyon ang punto ng kwento para uriratin ang tao na, ano ka? Sino ka? Ang pagiging tao ba ay nasa posisyon ng pagiging mataas? Nasa pedestal ka ba kapag naging tao ka?” ani Roca.

Aniya, naisakatuparan ang proyekto sa  tulong ng kanyang mga kaibigan na malugod na tumulong sa pag-iimprenta ng libro, sa mga kaklase at mga guro na nagbigay ng suportang moral para tapusin ang proyekto.

Mabibili ang aklat sa Cool Beans at Bookay Ukay Maginhawa.

 

– Ram Hernandez

About KALasag (Opisyal na Papel Pampahayag ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas)

KALasag, ang Opisyal na Papel Pampahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang magsisilbing pahayagan ng mga pananaw, usapin at paninindigan ng mga estudyante hinggil sa mga mahahalagang isyu. Ito rin ay magiging daan tungo sa pagbuo ng identidad ng kolehiyo at paghahanap ng lugar nito sa pamantasan at lipunan.

Discussion

Comments are closed.

BREAKING NEWS | FACEBOOK

KALasag sa Twitter

  • The assembly is adjourned. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • The body selects Raoul Manuel as the next Student Regent via consensus. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP Visayas selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UPM SHS Palo selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP DEPP selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
%d bloggers like this: