Balitaan

“Tuwing Mananakmal Ang Alaala”

Tuwing Mananakmal Ang Alaala

Ram Hernandez

 

Tuwing mananakmal ang alaala

Wala itong tinitira

Tatagos ito sa laman

ng isip hanggang sa tuluyan kang

‘di makapanlaban

Minsan, susubukan mo pa ring bumangon

Kikitlin ito’t papalitan ng ibang bagay; tesis, pangarap

pamilya, papatusin mo kahit alaala ng pagkapahiya; pagkadapa,

maling ispeling maging ang maling pagpronounce ng banyagang salita

Nang makalingat-lingat ka’y

Unti-unting tatakbo ang sinehan ng iyong utak

Papasok siya; hindi mo kasintahan; hindi mo rin iniibig

Lalapitan ka niya’t huhubarin ang iyong pantalon

Sisisid at hahanapin ang puso sa iyong kasuluk-sulukan

Sa halip na kitlin, paulit-ulit mo itong panonoorin

Paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit

Hanggang sa hindi ka na labasan

ng hiya sa sarili’t kasintahan

About KALasag (Opisyal na Papel Pampahayag ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas)

KALasag, ang Opisyal na Papel Pampahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang magsisilbing pahayagan ng mga pananaw, usapin at paninindigan ng mga estudyante hinggil sa mga mahahalagang isyu. Ito rin ay magiging daan tungo sa pagbuo ng identidad ng kolehiyo at paghahanap ng lugar nito sa pamantasan at lipunan.

Discussion

Comments are closed.

BREAKING NEWS | FACEBOOK

KALasag sa Twitter

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

%d bloggers like this: