Kultura

Anong ayaw at gusto ko sa Pasko?

Jill Raz

I.

Ayoko sa Pasko dahil kailangan kong magsimba. Tapos, bababuyin ng pari ‘yung kantang “Circle of Life” sa The Lion King at papalitan niya ‘yung lyrics para gawing tungkol sa Nativity. Si Hesus ay si Simba.

Hindi ako pipila para sa Communion. Titignan ako ng mga Catholic Women’s League doon na para akong isang demonyita. Sorry po, taga-bantay lang ako ng bag.

II.

Ayoko sa Pasko dahil September pa lang, Christmas carols na ang tugtog sa mga mall. Hindi man lang yung Mariah Carey version ng “All I Want For Christmas Is You”, a.k.a ang tanging Christmas song na tinatanggap ko, yung tinutugtog. ‘Yung mga tipong “O Holy Night” na ni-remix sa “Gangnam Style.” Sarap manira ng mannequin, shet.

Hindi kaya naisip ng mga manager ng mall na hindi lahat ng shoppers nila ay Katoliko?

III.

Ayoko sa Pasko dahil kahit pag-uwi, hindi ligtas ang tenga ko. Hoy, mga kapitbahay, porket ba ipinanganak si Hesus, may karapatan na kayong pagulungin si John Lennon sa hukay? Tama na ang paglapastangan ng “Let It Be” sa videoke, parang awa niyo na.

IV.

Ayoko sa Pasko dahil MMFF na naman. Sa Cinema 1, ang mala-Autotuned na tili ni Kris Aquino. Sa Cinema 2, si Vic Sottong pumapatol sa babaeng pwede niyang maging anak, sabay pukpok sa ulo ni Jose o Wally. Sa Cinema 3, si Anne Curtis bilang isang skwater. Sa Cinema 4, ang mas matanda pa sa lola mo na Shake, Rattle, and Roll. Sa Cinema 5, mga dalagitang nagsisihulugan ang panty dahil kay Daniel Padilla.

No, thank you. ‘Di pa ako ready maubusan ng brain cells.

V.

Ayoko sa Pasko dahil uuwi na naman akong probinsya at sapilitang papapanoorin ang reality show na pinamagatang Ang Passive-Aggressive na Pag-Aaway ng Lolo at Lola Ko Habang Kumakain Kami ng Noche Buena . Now showing sa Channel #13, Emerald St.

VI.

Ayoko sa Pasko dahil hindi ko mapapakinabangan ang mga pinsan ko. Si Pinsan 1, nakanganga sa laptop, nagdo-DOTA. Si Pinsan 2, nakanganga sa iPad, naglalaro ng Minecraft. Si Pinsan 3, nakanganga sa TV, nanonood ng basketball. Si Pinsan 4, nakanganga sa cellphone, may nilalanding blockmate.

Ako naman, nakanganga sa laptop, nanonood ng Game of Thrones.

VII.

Ayoko sa Pasko dahil kailangan kong magkunwari na kilala ko lahat ng kamag-anak ko. Tapos sasabihin nilang napakaganda ko daw at magaling mag-Ingles, pero sa totoo’y ang tunay na paborito nila ay ang nanay ko.

VIII.

Ayoko sa Pasko dahil bibigyan ka nga ng regalo ng kamag-anak mo, di naman nila pag-iisipan.

Sa nagbigay sa akin ng The Fault in Our Stars, so porket may ‘–teen’ sa dulo ng edad ko, nagbabasa na ako ng libro ni John Green? Huwag po tayong mang-stereotype.

IX.

Ayoko sa Pasko dahil sa patuloy na pagbabanta sa buhay ko kapag hindi ako kumain ng pansit.

Ayoko sa Pasko dahil sa tanong na ito:

“May boyfriend ka na ba?”

Kung sabihin kong merong girlfriend, kakausapin niyo pa ba ako?

I.

Gusto ko ang Pasko dahil ito ang nag-iisang panahon sa taon na nakikita ko ang mga kamag-anak kong galing pang ibang probinsiya o ibang bansa.

Kahit na hindi ko natatandaan ang mga pangalan nila.

II.

Gusto ko ang Pasko dahil libre ang pagkain.

III.

Gusto ko ang Pasko dahil nabibiyayaan ako ng libreng damit.

Kahit na hindi ko alam kung saan susuotin ang isang oversized hoodie na may mukha ni Domo.

IV.

Gusto ko ang Pasko dahil nananalo ako sa Bingo at  nauulanan ng pera. Parang game show lang.

V.

Gusto ko ang Pasko dahil nakakalimutan natin na hindi nga pala katanggap-tanggap ang teenage pregnancy tulad ng kay Mama Mary.

VI.

Gusto ko ang Pasko dahil may sense ng hope, kahit gaano pa man ka-corny at cliché. Kahit na lunurin man tayo sa bagyo’t baha, isang tingin lang sa kumikinang na parol with matching kumikinang na Meralco bill, isang dinig lang ng klasik namamasko hit na “Sa May Bahay”, isang amoy lang ng ham at ng nalalapit mong pagtaba, ay kayang-kaya na nating harapin ang mundo.

About KALasag (Opisyal na Papel Pampahayag ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas)

KALasag, ang Opisyal na Papel Pampahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang magsisilbing pahayagan ng mga pananaw, usapin at paninindigan ng mga estudyante hinggil sa mga mahahalagang isyu. Ito rin ay magiging daan tungo sa pagbuo ng identidad ng kolehiyo at paghahanap ng lugar nito sa pamantasan at lipunan.

Discussion

Comments are closed.

BREAKING NEWS | FACEBOOK

KALasag sa Twitter

  • The assembly is adjourned. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • The body selects Raoul Manuel as the next Student Regent via consensus. #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP Visayas selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UPM SHS Palo selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
  • UP DEPP selects via consensus: 1st Nominee: Raoul Manuel 2nd Nominee: Omid Siamard 3rd Nominee: Josiah Hiponia #SR2016@kalasag_cal@yahoo.com 4 months ago
%d bloggers like this: