Balitaan

This category contains 114 posts

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

dibuho ni Bea Velasco

dibuho ni Bea Velasco

Advertisements

CAL Tambayan, ililipat na sa Chem. Pavillion

Ulat ni Josiah Antonio

tambayan complex

OPLAN TAMBAYAN: Datos mula sa Voice of CAL report, “Meeting with Sir Carlo de Pano and Ma’am Ginny Gochuico, 28 May 2014.”

Masisiguradong isang buwan bago lumipat ang 19 na organisasyon ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) tambayan sa Kubo Complex ay magkakaroon na sila ng pwesto sa fenced area sa Chem. Pavillion, ani Vice Chairperson Jowian Mariano ng KAL Student Council.

Sa isang pagpupulong kasama si Dekana Elena R. Mirano, sinabi niyang sisimulan umano ang konstruksiyon ng bagong Theater Building pagkatapos lumipat ng mga KAL Tambayan at ito ay matutuloy na sa susunod na taon, dagdag ni Mariano.

Hindi man pormal na inihayag ay may mga klase na rin ang KAL sa Chem Pavillion kaya naman masasabing bukas na ito sa buong kolehiyo. “Hindi naman ito formally inannounce pero sa class list sa Computerized Registration System, meron nang rooms sa Chem Pavillion so most likely bubuksan na rin yun for KAL,” ani Mariano.

Binigyan na rin ng isang buwan ng palugit upang masabihan ang mga organisasyon bago lumipat sa mga tambayan.

“Siyempre, ang tambayan, espasyo yan, espasyo yan ng mga organisasyon para mag-organisa… So having space, is having recoginition. Kumbaga, may espasyo ang orgs sa KAL not because the college is so kind to grant them one, but they have the tambayan kasi kinikilala sila as part of the college community, or [even] the university. I strongly believe na ang tambayan ay isang karapatan. Hindi ito privilege,” dagdag ni Mariano.

Byaheng Tanggol Wika

Balikan natin ang mga nakaraang byahe doon sa C.P. Garcia kung saan kinalampag ng daan-daang estudyante’t guro ang mapanupil na CHED na nagpatupad ng kontrobersiyal na CMO No. 20. (Mga retrato mula kina Prop. Vladimeir Gonzales at sa Facebook page ng Tanggol Wika network.)

byaheng tanggol wika

tanggol wika 2

UP niche courses na mananatili, pinangalanan na

Ulat ni Josiah Antonio

Inilabas na ang listahan ng mga niches o disiplinang mananatili sa buong sistema ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa pagpapatupad ng K-12 na sistema ng edukasyon sa buong bansa.  Mula ang ulat sa Vice President for Academic Affairs ng Hulyo 2014 Board of Regents Meeting.

Prayoridad sa UP Diliman ang mga kursong malapit sa Natural and Computational Sciences, Engineering, Arts, Humanities, Letters, at Law. Samantala, pasok sa niches ang mga pangunahing kurso sa ibang constitutent units tulad ng Medicine at Health Sciences sa UP Manila, Agriculture at Forestry sa UP Los Baños, Fisheries at Aquatic Sciences sa UP Visayas, Industrial Design at Information Technology sa UP Cebu, Environment at Indigenous Culture of the Mountain Province sa UP Baguio, Open Learning at Distance Education sa UP Open University, Agribusiness at Indigenous Culture sa UP Mindanao.

Tanging ang mga kursong malapit lamang sa mga niches na nabanggit ang mananatili sa bawat unibersidad, ani Student Regent Neill John Macuha. Kahit na kabilang sa mga niches ang kurso ay maaaring manganib pa rin kung hindi sapat ang mga aplikante ng kurso sa undergraduate at graduate pati na rin ang mga nagtatapos sa mga susunod na taon, dagdag niya.

Alinsunod umano ito sa pagpapatupad ng Commission on Higher Education Memo Order (CMO) No. 20 na layuning  mapalawak ang koneksyon ng tersyaryong edukasyon sa mga unibersidad ng mga bansang miyembro ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) simula ngayong 2015  kasabay na rin ng pagpapatupad sa K-12 Curriculum.

Mariing tinutulan ng mga estudyante at guro ang mga naturang palisiya. Nitong Nobyembre 28, inilunsad ang “Pambansang Araw ng Pagkalampag sa CHED” na pinangunahan ng Tanggol Wika, ang network ng mga guro at estudyante mula sa mga Departamento ng Filipino sa buong Pilipinas. Dinaluhan ito ng UP, Philippine Normal University, National Teacher’s College, at Far Eastern University. Mariin nilang kinalampag ang pagtutol sa pagtanggal ng asignaturang Filipino bilang General Education sabjek  sa CMO No. 20. Kinalamapag din ng Tanggol Wika ang CHED nitong Hulyo 2014.

Kabilang dito ang ilang mga  guro mula sa Kolehiyo ng Arte at Literatura tulad ni Prof. Vlademeir Gonzales ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP). Aniya, gumagawa na ng paraan na gumawa ng bagong curriculum na maisasama pa rin ang Filipino bilang asignatura sa pamamagitan ng mga GE Conferences.

Pagtatapos

Pagtatapos

Ram Hernandez

 

litrato ni Ram Hernandez

litrato ni Ram Hernandez

Nakadantay ang himbing

Sa lalim ng gabi

Nakayakap sa bawat panaginip

Ang mga aso

Maging ang mga insekto’y

Nahulog sa patibong ng katahimikan

Dahan-dahang bumagsak

Ang ga-karayom na ulan

Putol-putol sa kawalan

Maya-maya’y

orkestra ng bagyo ang naghari

Hinehele papailalim

Ang mga kaluluwang nahihimbing

Sa panaginip ng panaginip

Tahimik na raragasa ang baha

Na iniluwal ng bawat ilog, estero

Kanal at dagat

Sinuyod ang bawat sulok

Lumubog ang mga mabababa

Inabot maging ang pinakamatataas

Hanggang sa tuluyan nang lamunin

Ang buong kapuluan

Tutol kami sa dagdag bayarin! – UPD Students

Ulat ni Josiah Antonio

Mga retrato ni Aliona Silva

_DSC0038

“UP for Sale”, ito ang sinabit na karatula ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD) sa harap ng Quezon Hall bilang bahagi ng pagdiriwang sa “Day of Action against All Other School Fees” nitong Nobyembre 26.

Inilunsad ang programa bilang pagtutol sa mga dagdag bayarin ng mga mag-aaral bukod pa sa tumataas na matrikula. Nakalista ito sa gilid ng Form 5: Misc. Library, Athletics, Registration, Cultural, Internet, Energy, NSTP, Deposit o Entrance, Laboratory, EDF at ang “others fee,” ani Jose Monfred Sy, Students’ Rights and Welfare Councilor ng College of Arts and Letters Student Council.

_DSC0011

Nagsimula ang isang programa sa tapat ng Palma Hall Steps alas dies ng umaga upang pagtipun-tipunin ang mga mag-aaral na sasama sa pagkilos. Sinundan ito ng paglibot sa Palma Hall upang manghikayat pa ng mga mag-aaral na sumama sa pagkilos sa Board of Regents (BOR) Meeting.

 
_DSC0018

Sa Executive House nagtipon ang lahat ng mga lider estudyante at sinigaw ang hinaing tungkol sa mga dagdag bayarin sa matrikula at kung paano nito naaapektuhan ang edukasyon sa bansa. Kasama nila sa araw na iyon ang All UP Workers’ Union.

“Isa lamang ang pinapatunayan ng pagtaas ng Other Fees dito sa Unibersidad: ang komersalisasyon na walang patid na nilalayo ang karaniwang pamilyang Pilipino sa edukasyon. Ang patuloy na pagtaas ng drop-out rates at ng bilang ng mga mag-aaral na kinailangang dulugan ang student loans ay ilan lamang sa patunay ng nakakapinsalang bunga ng pagkakaroon ng other fees, mas lalo na nag pagtaas nito,” paliwanag ni Sy.

_DSC0007

CAL community gets in on the ground floor with Pagtutulong Theme for 2014 Float

Report by Jill Raz

The start of December heralds the sight of several students in front of the College of Arts and Letters (CAL) Library, busy working on the college’s float for 2014’s fiesta-themed University Lantern Parade, with the slogan Pasundayag: Pag-uugat at Pagyabong.

The float, from a design proposed by Sir Jeff Giron of the Art Studies Department, consists of three children playing palo-sebo, where they stand on each other’s shoulders to reach the banderita on top of the pole. According to Art Studies representative and project head Jessy Tan, this is in accordance with Apolinario Mabini’s decalogue “… [tungkol sa] pagtutulong.

Recycled materials, such as recycled bond paper like old readings and papers, corrugated board, colored slide folders, and cardboard boxes shall be used to realize this design. The usage of recyclables is a factor in the criteria for judging.

Attendance from various organizations is required, and in the event that the college wins the 25,000 peso grand prize, the organization with the most attendees will be rewarded.

So far, the planned pakulo this year is a T-shirt design contest won by Art Studies student Rissa Lucero, and something else Tan says will evoke “super fiesta feels.” Additionally, she also credits the college’s long-time lantern technician, Kuya Nap Rivera, for his guiding hand in the production work.

1492428_10202729673984223_1255127839_o

Photo from last year’s Lantern Parade, from Prof. Regina Gochuico, Associate Dean

In last year’s Lantern Parade, the tri-college lantern by CAL, College of Social Sciences and Philosophy, and College of Science, the three formerly known College of Arts and Sciences, was cited as the Most Creative Design.

10468434_10152449489901714_6479579724136535846_o 1421190_10152449621491714_312671203816548689_o 10178089_10152449677536714_8929735234190033420_n 10847579_10152430797866714_3486926650411100853_o 10835353_10152427055046714_4153773680021161676_o 10339401_10152419679661714_1150973324031077544_o 10153892_10152423527396714_2716769871262471365_n 1781123_10152440575356714_5401821183509194268_o


Photos from Prof. Jeff Giron from Department of Art Studies

Lisan

litrato ni Aliona Silva

litrato ni Aliona Silva

Lisan

Aliona Silva

Bigla kong nahalungkat ang alaala.
Nahalungkat ang lahat
ng litrato, libro’t liham
na nabaon sa kasuluksulukan
sa lilim ng aking isipan.

Ano nga ba ang hubog ng iyong mukha?
Ano nga ba ang kulay ng iyong mga mata?
Paano nga ba ang kurba ng iyong labi?
Ang init sa iyong kamay?
Ang higpit sa iyong kapit?
Ang tindi sa iyong tayo?
Ang lalim sa iyong boses?

Ano nga ba ang iyong pangalan?
Bagama’t ang natatanging bigkas nito
ay naging hiyaw sa ‘hustisya’
(o sa ‘rebolusyon’ nga ba?)

At nang mabuksan ko ang ataul
ng labi ng lumipas na panahon
wala akong nakitang ni ano
maliban sa lahat
ng litrato, libro’t liham
na nagtatala sa isang biktima.
Bagama’t naging pagtawag sa digma
ang bawat salita sa mga sulat mo.
At ang bawat kwento mo ay naging
pagbabanta
pag-uudyok
panghahamon
sa aming mga naiwan.

Walang kahit anong bakas mo
ang makikita sa libingan ng aking alaala.
Doon ko nga napagtanto,
pagtitig sa mantsa ng dugong nawaldas
sa kamaong itinaas sa ngalan ng kalayaan
ang paggunita sa ‘yo

At doon ko nga napagtanto
pagbungkal sa pangungulila
ang paggunita sa ‘yo.

Gayun pa man, ‘wag kang mag-alala.
Hindi dapat manlumo sa paglisan mo
‘pagkat hinding hindi mawawala ang buhay
na natamasa sa paglaban kapiling ng masa.

Paano Ko Pinatay si Santa Claus

Violet Bilbao

Limang taong gulang pa lang ako noong pinatay ko si Santa Claus.

Disyembre 24 noon, siyempre malamig, at buong paniwala ko na darating ang inaantay ko: ang matabang balbasing matanda na naka-pula, may sumbrerong pula, may mga usang pula ang ilong, at karwaheng walang gulong. Dala niya ang mga sako-sako ng napakaraming regalo para sa iba’t ibang mababait na bata sa buong mundo.

Mabait daw akong bata, masunurin. Pupunta si Santa Claus ng bahay dahil sabi ni Mama at Papa, at sabi sa TV. Isa pa, noong nakaraang taon nandoon siya, nakasulat ang pangalan niya sa regalo ko: “From Santa Claus”.

Kaya laking gulat ko noong nakita kong ang naglagay ng mga regalo malapit sa sala ay si Papa at Mama at hindi si Santa Claus. At sa mga regalong iyon ay nakasulat ang “From Santa Claus”.

Nagtanong ako, “Mama, Papa, nasaan si Santa Claus?”

Ibinigay nila sa akin ang isang manika. Nagtanong ako ulit.

“Nasaan si Santa Claus?”

“Hawak mo siya, anak.”

Isang manikang babalbasin, mataba, may puting balbas, naka-pula at may suot na sumbrerong pula. Walang karwahe, walang mga usa. Nagtanong ako ulit.

“Nasaan si Santa Claus?”

Umiling lang si Mama at Papa. Hindi raw siya totoo.

 Pero hawak ko si Santa. Hawak ko…

Tinanggal ko ang balbas niya. Tinanggal ko ang suot niyang pula. Tinanggal ko ang sumbrero niya. Mamaya-maya, tinanggal ko ang mga paa niya, braso, at kamay. At sa huli, tinanggal ko ang kanyang ulo, na may nakalagay na isang ngiti na pilit ko ding tinanggal.

Hindi ko na pinakinggan si Mama at Papa pagkatapos noon kahit pinapagalitan nila ako. Tinanggal ko sa isip ko ang mga sinasabi  sa TV, ang karwahe, mga usa, at ang mamang matabang nakapula, na hanggang ngayon ay isa na lang tagpi-tagping manika sa buhay ko.

Bisikleta

Jenea Santos at Nicko de Guzman

Inggit na inggit ako sa kapatid kong si Tristan. Buti pa siya masaya, malayang nakikipag karerahan sa mga binatilyo at dalagitang siklista sa labas. Walang tigil sa pagpedal at pagmaniobra ang aking kapatid at iba pang mga siklista sa kanilang bisikleta.

Nililipad ang kanilang suot na damit habang nakikipagpaligsahan sa bilis ng hangin. Kainis! Gusto ko ring matutong magbisikleta katulad ni Tristan. Gusto ko ring makipagkarerahan sa mga kaedad ko. Kaya lang ayaw ni mama.

Tutol na tutol si mama na magbisikleta ako. Noong ika-pito kong kaarawan, nagalit si mama dahil niregaluhan ako ni papa ng kulay rosas na bisikleta. Ang ginawa ni mama, binalik niya sa mall ang bisikleta at pinapalitan niya ng kitchen set.

“Delikado ang pagsakay sa bisikleta, bawal sa bata.” Pangaral sa akin ni mama. Nagmukmok na lang ako sa kwarto.

Noong pasko na, niregaluhan ni papa si Tristan ng kulay pulang bisikleta at ako, doll house. Tinabi ko ang doll house at nagtaka. Nagtaka ako dahil hindi nagalit si mama kay papa. Hindi ipinapalit sa mall ang bisikleta. Tinuruan pa nga ni papa ang kapatid ko kung paano iyon patakbuhin at balansehin. Sa sobrang pagseselos, lumapit ako kay mama.

“Ma, bakit si Tristan pwedeng mag-bike? Ako, hindi pwede. Pareho naman kaming bata, dapat pareho kaming hindi pwede. Mas matanda nga ako sa kanya ng dalawang taon, e.”

“Kasi lalaki si Tristan, anak. Delikado ‘yan sa babae.”

Hindi pala dahil bata ako, dahil babae ako kaya hindi ako pwedeng magbisikleta.

“E, bakit delikado?”

“Basta!”

Masama man ang loob ay hindi na ako umimik pa. Tiyak na pagagalitan lang ako kapag sumagot pa ako sa kanya. Alam kong hindi naman totoo iyong sinasabi ni mama na panlalaki lang ang bike. May mga babae naman akong nakikitang nagba-bike sa telebisyon. Nagpunta ako sa may garahe. Tinitigan kong magbike si Tristan. Nang mapagod, pumasok siya ng bahay.

Sinubukan kong umangkas sa bisikleta. Pagewang-gewang ang manibela dahil hindi ako marunong magmaniobra. Matagal-tagal din bago ko natutunan balansehin ang bisikleta. Sa una, mabagal lang ang pagtakbo. Pero habang tumatagal, nilakasan ko ang loob ko at binilisan pa ang pagpedal. Paikot-ikot ako sa malaking garahe namin. Ang sarap sa pakiramdam. Wala naman palang masama.

Biglang bumukas ang pinto ng bahay, si mama. May nakalimutan pa pala akong aralin: ang paghinto sa bisikleta. Nawala ang balanse ko at natumba ako sa bike. Dali-dali akong pinuntahan ni mama. Itinayo niya ako, pinagpag ang dumi sa damit at pinabukaka. Tiningnan niya ang nasa gitna ng dalawa kong hita, parang may hinahanap.

“Wala bang masakit, anak?” tanong ni mama habang ineenspeksyon ang puti kong shorts.

Umiling ako.

“Sigurado ka, anak? Walang masakit sa pagitan ng mga hita mo? Diyan sa flower mo?” Flower? Flower pala ang  tawag diyan. Ito palang flower ang pinoproblema ni mama. Ano namang kinalaman ng “flower” ko sa pagbibisikleta?

Habang sinesermonan ako ni mama, masaya ako dahil natuto at naranasan kong magbisikleta. Nang gabing ‘yon, nakatulog ako nang may ngiti sa labi habang hinahangad ang susunod kong engkwentro sa pagbibisikleta.

KALasag sa Twitter

Advertisements
%d bloggers like this: