KALasag (Opisyal na Papel Pampahayag ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas)

KALasag, ang Opisyal na Papel Pampahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang magsisilbing pahayagan ng mga pananaw, usapin at paninindigan ng mga estudyante hinggil sa mga mahahalagang isyu. Ito rin ay magiging daan tungo sa pagbuo ng identidad ng kolehiyo at paghahanap ng lugar nito sa pamantasan at lipunan.
KALasag (Opisyal na Papel Pampahayag ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas) has written 206 posts for KALASAG

Seguridad sa pagkain, panawagan ng mga magsasaka sa Agroecology Fair at bike rally

Artikulo ni Jet De Leon

Sa pagtutulungan ng Agroecology X, National Network of Agrarian Reform Advocates Youth (NNARA-Youth), Artista ng Rebolusyong Pangkultura (ARPAK), at UPD University Student Council (USC), inilunsad ang “Salu-salo: Agroecology Fair” sa UP Diliman kahapon, ika-16 ng Oktubre.

Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng isang bike rally na pinamagatang “Padyak Kontra Kagutuman” mula sa harap ng Department of Agriculture papunta sa University Theater, UP Diliman kung saan inilunsad ang Agroecology Fair.

Bitbit sa bike rally ang pinagka-isang panawagan sa pagtugon ng administrasyon sa kriris sa agrikultura.

Naging pagkakataon naman ang Agroecology Fair upang ibenta ng mga magsasaka mula sa Alyansa ng mga Magbubukid sa Bulacan ang kanilang mga aning gulay gaya ng puso ng saging, luyang dilaw, at gabi.

Nakiisa rin sa kaganapan ang iba’t ibang progresibong organisasyon na nagsipagtayo ng kani-kanilang mga booth upang itampok ang kani-kanilang mga produkto at likhang-sining bilang suporta sa mga magsasaka.

Inilunsad din sa Agroecology Fair ang kampanyang “Kanin, Isda, at iba pang Likha ng Bansa, Idepensa!” kung saan tinalakay ang kasalukuyang estado ng mga palayan at pangisdaan sa Pilipinas. Pinangunahan ito ng mga lider-magsasaka, akademiko, at kabataan mula sa iba’t ibang grupo.

Iginiit ni Cathy Estavillo mula sa rice watch group na Bantay Bigas ang mga isyu na kinahaharap ng sektor ng agrikultura. Tinulak niya rin ang pagpapanukala ng batas na tutugon sa krisis sa pagkain.

“Panawagan natin ang pagbabasura sa Rice Liberalization Law o RA 11203 at ipalit ang panukala ng Makabayan bloc, panukala ng mga magsasaka na Rice Industry Development Act na susi para sa pagkamit natin ng kasiguraduhan sa pagkain,” sabi ni Estavillo.

Ipinahayag naman ni Ka Pando Hicap ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA-Pilipinas) na malinaw na kinokontrol ng mga malalaking negosyo ang mga pangisdaan sa bansa at nakikinabang sila sa mga yaman nito. Ayon kay Hicap, ang polisiyang ipinapatupad pa rin sa ating mga pangisdaan ay nakaturol sa eksport.

Bago magtapos ang Fair, hinimok ni Ara Villena ng Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo (SAKA) ang publiko na makiisa sa Pambansang Araw ng Pagkilos para sa Lupa, Pagkain, at Hustisya sa ika-21 ng Oktubre sa Mendiola, lungsod ng Maynila. Bibitbitin ng mga magsasaka at mga kaisa ang mga panawagang subsidiya sa mga magsasaka, pagresolba sa krisis sa agrikultura at pagkain, pagpapalakas ng lokal na produksyon, at tunay na repormang agraryo.

4th National People’s Rice Congress, idinaos sa UP Diliman

Jet de Leon

Dinaluhan ng mga magbubukid at advocates mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang 4th National People’s Rice Congress 2022 sa Institute for Small Scale Industries (ISSI), UP Diliman noong ika-12 ng Oktubre bilang parte ng pagdiriwang ng National Peasant Month ngayong buwan.

Ang Kongreso ay pinangunahan ng Bantay Bigas kasama ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Anak-pawis Party-list, Amihan National Federation of Peasant Women, Philippine Network of Food Security Programmes (PNFSP), at iba pang samahan at advocates na may temang “Ipagtanggol at Palakasin ang Industriya ng Bigas sa Bansa! Kamtin ang Sariling Kasapatan at Matatag na Seguridad sa Pagkain!”

Layon ng programa na itampok ang kasalukuyang krisis sa bigas na may kaakibat na panawagan hinggil sa pagpapalakas ng lokal na produksiyon at hindi importasyon, pagbasura ng RA 11203 o Rice Liberalization Law (RLL), pagsasabatas sa Rice Industry Development Act (RIDA), at kagyat na pamamahagi ng P15,000 subsidiyo para sa mga magsasakang apektado ng krisis.

Iginiit ng mga dumalo na huwad ang pangako ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. noong kampanyahan hinggil sa pagpapababa ng presyo ng bigas sa halagang P20. Dagdag pa nila, pagtaas ng importasyon na dagdag dagok sa mga magsasaka ang aasahan sa kasalukuyang administrasyon gayong si Marcos Jr. mismo ang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Inaprubahan din sa Kongreso ang Manifesto of Unity ng mga magbubukid at mga samahan na nagpapahayag ng pagtutol sa RLL at pagpapanawagan na masolusyunan ang krisis sa agrikultura. Balak ng mga nakiisang grupo na isumite ang manifesto, kasabay ng higit 100,000 pirmang nakalap sa petisyon laban sa RLL, sa opisina ni DA Secretary Ferdinand Marcos Jr.

Nagsagawa rin ang mga grupo ng mga palihan hinggil sa epekto ng RLL, importasyon, mataas na gastos sa pagsasaka, land use conversion, at agroecology para sa sustinableng sistema sa pagkain.

UP Diliman, Nakatanggap ng Bomb Threat sa Selebrasyon ng Pride Month

Mikhail Geriane

Pinagbantaan ng mga hindi pa nakikilalang indibidwal ang Unibersidad ng Pilipinas Diliman na may pagsabog na magaganap habang ipinagdiriwang ng LGBTQIA+ community ang pagbubukas ng Pride Month noong Oktubre 03 sa Quezon Hall.

Ayon sa spot report ng UP Diliman Police (UPDP) hinggil sa insidente, nakatanggap ng mensahe mula sa hindi kilalang Facebook account noong Oktubre 02 ang isang administrative staff ng UP Human Resource Development Office (UPHRDO) na nagbabanta ng pagsabog sa aktibidad na gagawin ng mga estudyante sa unibersidad kinabukasan.

“Pabatid, Mag-ingat maaaring may pagsabog na maganap sa U.P. Diliman dahil sa pagtutol sa mga LGBTQ sa pagpupulong may magpapanggap na kaisa bukas sa pagpupulong nila Magsi-ingat kayo isa ako sa kasapi ng miyembro natunghayan ka ang maaaring maganap nasa pagsasanay ako noon,” saad ng mensahe.

Sinundan naman ito ng panibagong bomb threat sa text message na natanggap ng isang miyembro ng UPDP habang idinadaos mismo ang pagbubukas ng Pride Month. “May sasabog” ayon sa mensahe.

Agarang nagpadala ng karagdagang pwersa ang Public Safety and Security Office (PSSO) sa pinagdadausan ng aktibidad upang masiguro ang seguridad ng mga dumalo. Dagdag ng PSSO, pinili ng kanilang opisina na hindi ipaalam sa mga organizers na may bomb threat ang aktibidad upang maiwasan ang panic at hysteria. Nagpatupad rin sila ng karagdagang security measures sa lugar upang maiwasan ang pagpasok ng mga nais manggulo sa unibersidad.

Nagpadala ang Quezon City Police District ng Bomb Squad Unit sa Quezon Hall matapos ipagbigay-alam ng PSSO sa kanilang tanggapan ang insidente bilang bahagi ng kanilang protocol. Matapos ang ilang oras na masusing paghalughog ay walang natagpuang pampasabog sa lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Kalasag, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng banta sa seguridad ang UP Diliman ngayong semestre. Noong kalagitnaan ng Setyembre ay may natagpuang vintage grenade malapit sa mga kubo ng Institute for Small-Scale Industries (ISSI) grounds. Agad na kinordonan ng UPDP ang lugar at nakipag-ugnayan sa QCPD upang maghalughog ngunit walang ibang nakitang pampasabog. 

Ayon kay Edgie Francis Uyanguren, Direktor ng PSSO, ipinapalagay ng kanilang opisina na isolated case ang dalawang magkasunod na insidente. Aniya, matiwasay na nailunsad ang mga malalaking aktibidad sa unibersidad kagaya ng protesta sa komemorasyon ng Martial Law noong Setyembre 21 at State of the Nation Address ni Bongbong Marcos noong Hulyo 25. 

“Kahit na isolated case siya, ‘yung categorical na statement natin doon, hindi natin iti-take lightly yan. Anything that has to do with security threats, kahit na chismis o unconfirmed ‘yan, ang ginagawa natin we go to the area, we investigate on the matter. We don’t know when the jokes will come true,” dagdag ni Uyanguren. 

Kasalukuyang iniimbestigahan ng QCPD ang insidente. Ayon kay Uyanguren, hindi palalampasin ng unibersidad ang nasa likod ng bomb threat at kakasuhan ang mga may sala. 

“Sa UP, lalo na at academic university tayo, hindi natin ina-allow ‘yung mga ganyan. It’s a message to those who want to sow fear and threaten our students and our community na we do not allow it in the university,” ani ni Uyanguren. 

Kinondena naman ni University Student Council Chairperson Latrell Felix ang insidente. Ayon sa kanya, walang lugar ang ganitong mga pagbabanta sa unibersidad lalo na sa aktibidad ng LGBTQIA+ community na patuloy na naghihirap dahil sa hindi patas na trato ng kasalukuyang sistemang panlipunan. 

Naniniwala si Felix na hindi isloated case ang nangyari at may kaugnayan ito sa red-tagging at iba’t ibang atake na natatanggap ng mga kasapi ng unibersidad. Hindi rin umano siya magtataka kung ang insidenteng ito ay ginawa para sindakin ang mga Iskolar ng Bayan upang pahinain ang pagiging kritikal nito sa mga panlipunang isyu na kinakaharap ng bansa. 

“UP is known as the bastion of democracy and at the same time ay safe space for LGBT. Yung mga foundation ng mga nabubuo natin, they are trying to break it down into pieces and iyon yung ayaw natin,” dagdag ni Felix. 

Tinitignan rin niya ang anggulong kaya target ang pagbubukas ng Pride Month dahil sa anunsyo ng mga nag-organisa na imbitado sina dating Bise Presidente Leni Robredo at Senador Risa Hontiveros sa aktibidad. Nagpadala ng mensahe ng pakikiisa ang dalawang lider ng oposisyon at hindi pisikal na dumalo sa aktibidad.

Nanawagan si Felix sa pamunuan ng UP ng dagdag na hakbang para masiguro ang kaligtasan ng iba’t ibang sektor sa unibersidad. Ayon naman kay Uyanguren, proactive ang tugon ng unibersidad hinggil sa mga pagbabantang natatanggap. 

“Prevention naman lagi ‘yung ating rule of thumb dito. We would want na our constituents would feel safe in the campus,” dagdag ni Uyanguren. 

Bunsod ng mga insidente ng pagbabanta sa unibersidad ay mas magiging alerto umano ang mga security personnel ng UP Diliman. Hinikayat rin ng PSSO ang mga organisasyon na ipaalam sa kanilang opisina ang mga aktibidad na ilulunsad sa loob ng campus upang makapagbigay sila ng dagdag na seguridad. ##

100 araw ng dusa, dugo, at dagok

JJ Avengoza

Sa ika-100 araw ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pinakamataas na puwesto ng bansa, nakita natin kung ano ang aasahan sa kanya sa pagresolba sa mga susing usapin ng Pilipinas, tulad ng paghina ng piso kontra dolyar at ang paghina ng purchasing power ng ating pera; pagtaas ng mga presyo ng bilihin dulot ng pagtaas ng presyo ng petrolyo; ang pagbangon ng bansa sa gitna ng pandemya; at krisis sa edukasyon na lahat ay nanggaling sa nakaraang administrasyon.

Ano ang aasahan natin? Wala.

Pinakita ni Marcos Jr. kung paano niya ginamit ang sambayanang Pilipino upang makuha ang gusto niya at ng kaniyang mga kaalyado, tulad ng mga Duterte na napanatili ang kawing sa bansa sa katauhan ng anak ng dating pangulong si Rodrigo na si Inday Sara. Sa unang 100 araw ni Marcos Jr. sa puwesto, wala tayong nakita kung hindi pagpapabaya at kasinungalingan sa mamamayan.

Sa ginawang listahan ng Kabataan Partylist, mababakas na hindi talaga prayoridad ng rehimeng Marcos Jr.-Duterte na tugunan ang mga krisis na kinahaharap ng sambayanan, bagkus sila pa ang nagpapalala nito o wala silang ginagawa para bigyang solusyon ang paghihirap ng masang Pilipino.

Wala pa mang isang buwan ng kaniyang pamumuno, puro na party ang anak ng diktador, sa Malacañang man o sa labas ng Palasyo kasama ang pamilya at mga kaalyado. Bukod pa rito, halatang pabaya ang kauupo pa lamang na Pangulo, gaya noong nasa gitna ng bagyo ang bayan, naglabas siya ng vlog hinggil sa pagpunta sa New York noong United Nations General Assembly. 

Dagdag pa rito ang nakapagtatakang paglobo ng badyet para sa Opisina ng Pangulo at Pangalawang Pangulo. Hindi problema na taasan ang badyet kung mapupunta ito sa mga makabuluhang mga proyekto, ngunit tinaguriang red flag ang paglalaan nila Marcos Jr. at Duterte ng malaking confidential funds. Maaalalang umabot sa 2.3 bilyong piso ang badyet ng opisina ni Vice President Duterte kahit hindi umabot sa sampung minuto ang deliberasyon para roon.

Sa loob din ng 100 araw, tumindi ang atake laban sa mga mamamayan. Tumindi ang pangre-redtag sa mga progresibo dahil sa patuloy na pag-iral ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ni Lorraine Badoy mismo na may mga pending na mga kaso sa korte. Matindi rin ang pagpapatahimik sa mga mamamahayag, gaya ni Ka Percy Lapid, kilalang kritiko ng mga Duterte at Marcos, na kamakailan lamang ay pinatay sa lungsod ng Las Piñas.

Kaya wala tayo aasahan sa susunod pang 100 araw at linggo sa kamay nina Marcos Jr. at Duterte. Kung harap-harapan silang nagpapakasasa sa kaban ng bayan, na may gana pang pumunta sa Singapore para manood ng F1 sa halip na tumulong sa mga nasalanta sa Luzon dulot ng Bagyong Karding, tiyak na hindi ito ang huling pagkakataon na magiging pabaya at pahirap siya sa sambayanang Pilipino.

100 araw tayong nagdusa sa patong-patong na krisis. 100 araw pa lang ay may dumanak na dugo na kaagad sa kanyang pamamahala. Isandaang araw pa lamang ay pinatunayan na niya, kahit noon pa naman, na dagok siya ng bayan. Hindi na natin dapat hintayin ang 100 pang araw para panagutin siya at patalsikin, dahil sapat na ang 100 araw upang ipakita sa atin kung dapat pa ba siyang maging Pangulo ng Pilipinas.

Hindi tayo makalilimot sa pagbalik ng paghahari-harian ng mga Marcos, at dapat maniguro ang sambayanang Pilipino na hindi na muling mangyayari ito.#

Pekeng account, nabisto; mga estudyante, muling pinag-iingat

Erika Lei H. Dacurawat

Naglabas ng alerto sa mga mag-aaral ang UPD College of Science Freshies, Shiftees, and Transferees Council (CSFSTC) noong ika-24 ng Hunyo tungkol sa insidente ng pagkalat ng isang pekeng Facebook account. Ito ay matapos ang sunod-sunod na insidente ng panghihimasok ng mga pekeng accounts sa mga opisyal na linyang pangkomunikasyon ng mga mag-aaral ng UP.  

Ayon sa pabatid na nilabas ng CSFSTC, isang personaheng nagngangalang “Juan Pablo B. Garcia” ang nagpanggap bilang mag-aaral ng programang BS Molecular and Biotechnology at University of the Philippines College Admission (UPCA) passer ng taong 2022 at nanghimasok sa social media channels ng mga estudyante.  Napag-alaman na nagpakilala rin siya bilang mag-aaral ng BS Mathematics at nakipag-usap sa iba pang mag-aaral gamit ang communication app na Discord.  Ipinagpapalagay na ang pagpasok ni Garcia sa mga social media channels ay upang maniktik sa mga estudyante.

Ipinabatid naman ng UPD University Student Council (USC) na ang katauhang ito ay humiling mula sa mga miyembro ng konseho ng “shoutout” mula kay USC Councilor Lance Daniel at na maisama sa mga group chat ng College of Science.

Samantala, ayon sa ulat ng mga nakasalamuha ni Garcia ay kabilang sa mga naging paksa ng usapan nila ang UP at pagiging target nito ng Marcos-Duterte Administration at ang cancel culture sa aktres at mang-aawit na si Toni Gonzaga.

Bagaman ang mga account ng nabanggit na katauhan ay na-deactivate na, kapansin-pansin ang tila sunod-sunod na insidente ng ganitong panghihimasok sa linya pangkomunikasyon kung saan ang mga personal na detalye ng mga lehitimong kasapi ng UP Diliman ang nailalagay sa panganib.  

Noong buwan ng Marso, isang kahina-hinalang Facebook group naman na nagngangalang “UPD – Profs to Pick” ang kumalat at nangalap ng personal na impormasyon ng mga mag-aaral ng UPD, kabilang ang Student Number at UP Mail. Kinalaunan ay nakumpirma ng Office of the Vice Chancellor for Student Affairs (OVCSA) na ang tao sa likod ng pekeng grupo na ito, na nagngangalang “James Anthony Pajarillo,” ay hindi kasapi ng Unibersidad.  

Ang magkakasunod na insidente ng panghihimasok sa linya pangkomunikasyon ng UP ay naganap sa kasagsagan ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng redtagging sa mga mag-aaral ng UP, lalo na ngayong taon. Matatandaan na noong Mayo ay patuloy ang pag-redtag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban sa mga mag-aaral ng UP kung saan sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na “breeding ground ng mga terorista” and Unibersidad.  

Nagbigay ng pahayag ukol sa insidenteng ito ang College of Science Student Council (CSSC). Sa isang panayam, sinabi ni CSSC Chairperson Lars Leo Lenon na politikal ang motibo ng panghihimasok na ito lalo na sa kasagsagan ng banta ng dagdag na pagmamatyag sa mga mag-aaral ng mga kilalang progresibong institusyon.  Aniya, “the very fact that an account posed to be an incoming freshman infiltrated our group chats is a cause for concern.” 

Sa kasalukuyan, naghahanda ng ulat ukol sa insidente ang CSFSTC na ibibigay sa OVCSA at University Student Council (USC). Ayon sa konseho, ang account na nanghimasok ay tinanggal na rin sa mga group chat at sinisiguro ng konseho na ma-block ito ng mga mag-aaral.  

Tinitiyak din nila na upang maiwasan ang ganitong pangyayari sa susunod, ang mga bagong mag-aaral ay palaging hihingian ng “proof of acceptance” at sisiguruhing tugma ang impormasyon sa iba pang mga datos. Pinaaalalahanan nila ang mga organisasyon na maging mas maingat sa ganitong mga sitwasyon.

“Dapat mas maging vigilant tayo dahil napakadaling mameke sa social media. If there are reasons for concern, we advise you to work and coordinate with your student councils and the appropriate authorities for further action,” panawagan ni Lenon. Kaugnay nito, kasalukuyang inihahanda ng CSFSTC ang incident report tungkol sa nangyari at ilalabas ito sa oras na handa na itong isapubliko.

Ayon naman kay USC Councilor Daniel, inalam ni Garcia at ng mga taong nasa likod ng account ang sosyo-politikal na paninindigan ng mga mag-aaral, kaya hindi malayo ang posibilidad na kaugnay ito ng patuloy na isyu ng redtagging sa mga estudyante ng UP.  Iginiit din niya ang papel ng UP-DND Accord upang mapangalagaan at maprotektahan ang mga mag-aaral mula sa ganitong pagbabanta kung kaya’t mahalaga ang pagsasabatas nito.


The USC, through the Safety and Security Committee, quickly responds to such issues by filing an official report to the pertinent offices and by informing the public to be wary of such incidents. Through the Defend UP Network, the USC, along with other UP students, genuinely exhaust all means to safeguard our university from all forms of threats and attacks,”  dagdag ni Daniel. 

Hinikayat din niya ang mga mag-aaral at ibang miyembro ng komunidad ng UP na iulat sa USC ang mga insidente ng paniniktik at kahinahinalang indibidwal sa unibersidad. 

IT experts, election watchdogs call for transparency in recent national polls

Report by JJ Avengoza

Following the systemic cheating in the recent automated elections, information technology (IT) experts and election watchdogs called for transparency and accountability in a forum assessing the recent national elections at the University of the Philippines Hotel, Quezon City last Saturday, June 25.

Organized by Kontra Daya, Movement against Tyranny, and Computer Professionals Union, “Stealing Democracy: Critical Issues in the 2022 Elections and the Tasks Ahead” aims to point out the concerns of the recent national polls and what needs to be done to prevent these problems from resurfacing.

During the open forum, Kontra Daya convener Professor Malou Turalde gave importance to studying and assessing the electoral process to further mobilize the Filipino people in asserting their rights for demanding good governance.

“Mahalaga po ‘yung konteksto, mahalaga po ‘yung framework na pinag-uusapan natin dito para hindi po tayo malunod doon sa mga teknikalidad kasi wala po tayong partisipasyon doon sa transparency mechanisms. Lahat po tayo dito ay may duda dahil wala nga tayong partisipasyon,” she said.

The technical problem

Retired General Eliseo Rio Jr., former Department of Information and Communications Technology Officer-in-Charge, crunched the numbers regarding the tallies of votes for the presidential and vice-presidential posts, and emphasized that these numbers are manipulated within the automated system.

“Only a machine can do this [results]. Nature cannot do this… ” Rio said.

The former commissioner of the National Telecommunications Commission also presented an equation that fit most candidates in the two highest posts in the land, yet not applicable to the senatorial race.

Days after the election, the Commission on Elections (COMELEC) debunked the claims of netizens regarding the anomalous irregularity of votes between President-elect Ferdinand Marcos Jr. and outgoing Vice President Leni Robredo, saying that the system went through certification and review.

Former Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX) President Franklin Ysaac provided evidence to Rio’s claim by how IT personnel can tweak the codes in secured data (SD) cards used in vote counting machines (VCMs).

“It is very important that when they code it [the source code of VCMs], it’s a very simple code, simple system, it runs to that [VCM], that if the name of A is read by the system, it should be counted as A, hindi po ba?” he said.

He also said that it takes only “two lines” to alter the whole source code in the SD cards. He also stressed the fact that no witnesses are present in transferring the source code to the VCMs’ cards before usage in the recent elections.

A call for a hybrid system

National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) former chairperson Augusto Lagman emphasized the need to shift the system of elections to a hybrid one, combining manual counting in precincts and automated canvassing from cities and municipalities up to the national level to show transparency during national polls.

“It is a guiding principle that the voters should be able to witness the counting, not only witness the counting, but understand the process. Wala po ‘yun [in the automated system],” he said.

Lagman also laid suggestions in the implementation of the hybrid system, such as immediate posting of election results in a public website as these were usually uploaded weeks late, where ‘people have no more interest in the elections’.

Aside from the change in the election system, they also called for a manual count and audit to ensure transparency through the Truth Petition. As of this writing, the online petition has garnered 64,406 signatures and aims to garner two million signatures from Filipinos worldwide.

They demand the COMELEC to act upon the irregularities that occurred and conduct a genuine random manual audit through a tambiolo system and allow independent IT professionals to audit the SD cards.

In support of the lacking transparency in the recent polls, Professor Temy Rivera of Center for People Empowerment in Governance recalled petitioning to COMELEC reassuring that all existing safety guidelines in laws are adhered and implemented in the electoral process but to no avail.

“Kahit na i-implement mo ‘yung mga existing na mga safety mechanisms sa mga batas ngayon, hindi maso-solve ‘yung nire-raise na problema, ‘yung kakulangan nga ng transparency, unless you completely trust the machines,” he said.

The replay of the whole forum can be watched through Kontra Daya and Movement Against Tyranny Facebook pages.

Lampara II: Liwanag sa Dilim ng Kwentong Mindanaoan

Buong pagmamalaki na inihahandog ng UP – Katilingban sa Mga Anak Mindanao (UP Kalinaw) ang LAMPARA II: To shed light on untold stories to forward social change in Mindanao. Ito ay alinsunod sa taunang selebrasyon ng UP Kalinaw Student Summit na naglalayong itipon ang mga mag-aaral sa hayskul upang isulong ang kasaysayan, pagkakakilanlan, at kulturang Mindanaoan. Gaganapin ang serye ng mga aktibidad ngayong darating na Hunyo 12 – 25, 2022. 

Ilan sa mga dapat abangan ay ang mga diskurso’t patimpalak na iinog sa mga kasalukuyang panlipunang usapin ng Mindanao, at sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na maging daan tungo sa panlipunang pagbabago. Ito ay udyok ng ideya na ang pakikinig sa mga kuwento ng mga Mindanaoan ay nagbibigay kaalaman sa mas malawak na hanay ng mamamayan hinggil sa kalagayang panlipunan, kultura, at pulitika sa anim na rehiyon ng Mindanao.

Kasama sa serye ng aktibidad ang dalawang linggong pagsasagawa ng Mindanaoan storytelling sa pamamagitan ng isang social media campaign na nagsusulong sa lokal na kasaysayan, kultura, arte, at iba pang mga gawing nakasentro sa Mindanao. Ang pangunahing target audience at benepisaryo ng pagdiriwang na ito ay para sa Mindanaoan local artists, community organizations, at iba pang mga indibidwal na magbabahagi sa dalawang linggong storytelling campaign. Magkakaroon din ng live-streaming ang nasabing kaganapan upang maging daluyan ng kaalaman para sa lahat ng mamamayan.

Nahahati sa subevents ang isasagawang summit: storytelling at pakusganay. Ang storytelling ay may tatlong kategorya:

  1. Ambit – pagbabahagi ng mga trivia mula sa Mindanao sa pamamagitan ng narrative expressions
  2. Sugilon – pagbabahagi ng Mindanaoans ng kanilang mga kuwento sa pamamagitan ng mga bidyo, voice recordings, pahayag, at iba pa
  3. Diyalogo – isang synchronous activity na magkakaroon ng tatlong bahagi ng talakayan at tatlong tema; hindi limitado sa mga mag-aaral sa hayskul

Sa kabilang banda, ang pakusganay competitions ay bukas para sa mga mag-aaral sa junior at senior hayskul, mapa-pampubliko o pribadong paaralan. Ito ay may apat na kategorya:

  1. Balak – isang asynchronous spoken word poetry na may temang “Unbury: Pag-ukay sa Gilubong”
  2. Dibuho – isang asynchronous graphic design competition na may temang “Weaving Mindanao Through Textiles and Textures”
  3. Lente – isang photography contest na may temang “What my Culture Means to Me”
  4. Pautukay – isang synchronous quiz show competition na may temang “Societal and Setbacks”

Para sa karagdagang mga detayle, rehistrasyon, guidelines, at premyo, magtungo lamang sa UP Kalinaw Facebook Page https://www.facebook.com/UPKalinaw o magpadala ng email sa upkstudentssummit@gmail.com.

STAND UP CAL, muling dominante sa lokal na eleksyon ng kolehiyo

Kalasag Staff

DILIMAN, Lungsod Quezon–Naipanalo ng Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP College of Arts and Letters (STAND UP CAL) ang  lahat ng posisyon para sa Konseho ng Mag-aaral ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KM-KAL) sa taong 2022.

Nahalal na susunod na tagapangulo ng KM-KAL si Chedd Miguel Lemsic mula sa Department of Speech Communication and Theatre Arts (DSCTA), habang kahalili niya ang mga kapwa standard bearer na sina Arvin Cagape bilang ikalawang tagapangulo at Maria Stacey Gail Daniel bilang kinatawan ng KAL sa University Student Council (USC). 

Ayon kay Lemsic, patuloy ang militanteng pagseserbisyo ng KM-KAL upang biguin ang anumang banta ng rehimeng Marcos-Duterte na yurakan ang karapatang pantao at kapakanan ng mamamayang Pilipino. 

Ang KM-KAL ay magsisilbing daluyan ng mahahalagang kampanyang magpapakilos sa buong hanay ng mga Artista ng Bayan; mga kampanyang kagyat na lulunduan ang boses, paninindigan, at pangangailangan ng kilusang pang-masa na siyang tatapat sa inaasahang pahirap na rehimen,” ani Lemsic. “Titindig tayo nang may militansya at pagtanaw sa pangarap na bukas.” 

Samantala, pasok din ang apat na kandidato ng STAND UP CAL para sa posisyon ng konsehal. Nasungkit ni  Aleana Ria Estilon ang pinakamaraming boto, habang sinundan naman siya nina Erwin Gulapa, Romel Elijah Berona, at Venylee Joy Asuncion. Dalawang konsehal pa ang kinakailangang punan ng susunod na konseho. 

Nanalo rin ang mga pinatakbo ng partido para sa mga kinatawan ng mga departamento sa kolehiyo: Trixia Marie Policarpio para sa Department of English and Comparative Literature, Jazmine Jan Pedrosa para sa Department of European Languages, Michelle Anne Ortega para sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, at Sophia Ricci Ellorda para sa DSCTA. ‘Walang kumandidato bilang kinatawan ng Department of Art Studies.

Ngayon, higit kailanman, kinakailangan ang ubos-lakas na pagmobilisa sa lansangan at sa online na espasyo. Bilang mga Artista ng Bayan, ito rin ang panahon upang lalong kilalanin at gamitin ang kapangyarihan ng sining sa pagbabagong panlipunan,” ayon kay Daniel. 

Tanging STAND UP CAL lamang ang lumahok sa lokal na eleksyon para sa taong 2022. Ito’y matapos ihayag ng katunggaling partido, ang KALikha: Kasama Ka sa Paglikha ng Arte at Literatura Para sa Bayan, ang hindi nila paglahok upang maglaan ng oras sa kampanya nina Bise Presidente Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan sa nagdaang pambansang halalan. 

Para sa taong ito, 484 ang bilang ng mga estudyanteng bumoto sa kolehiyo, o 32.44% ng mga mag-aaral sa KAL. Mas mababa ito kumpara sa 54.69% na voter turnout ng kolehiyo noong nakaraang taon. 

Samantala, naipanalo rin ng STAND UP ang kalakhan ng mga posisyon sa USC. Inihalal sina Latrell Andrei M. Felix at Mary Sunshine P. Reyes bilang susunod na Tagapangulo at Ikalawang Tagapangulo ng konseho. 

Naipanalo rin ng partido ang labindalawang puwesto para sa posisyon ng konsehal. Kabilang dito ang dalawang estudyante mula sa KAL na sina Catherine Dalon, isang estudyanteng Lumad, at Xyril Salazar. Siyam na kinatawan ng kolehiyo sa USC ang nanggaling din sa STAND UP. 

Ito ang ikalawang taon na sumalang sa remote o online na eleksyon ang unibersidad buhat ng pandemya. 

35.32% ang naitalang voter turnout para sa taong ito, o 8,446 mula sa 23,910 na mga estudyante ng unibersidad. Mas mababa rin ito kumpara noong nakaraang taon, kung saan ang naitalang voter turnout ay 46.18% o 10,446 mula sa 22,619 na estudyante.  

CAL student faces state-sponsored threats; orgs condemn attack

GJ Barroso
May 6, 2022

Authorities and local officials have been forcing Lance Dayrit, a BA Philippine Studies student from the College of Arts and Letters (CAL), to come forward and surrender after being baselessly accused as a “rebel.” 

Last May 2, barangay officials went to Dayrit’s home in Bayambang, Pangasinan to warn about his alleged involvement in a “list.” The state forces confronted Dayrit’s mother, who was told at the time that there were vehicles on stand-by belonging to an intelligence unit. 

The following day, barangay captain Rodelito Bautista called Dayrit’s mother via telephone to tell her that she has two days to heed the intelligence officers’ request for an interrogation. On May 4, Dayrit received news that Bautista and two intelligence officers went to the local administration office where they asked for information about him and tagged him as a “rebel.” 

Seryosong akusasyon ang pagpaparatang sa akin bilang isang rebelde na kailangang magpa-clear at sumuko sa awtoridad. Lalo na ngayon na kaliwa’t kanan ang pagdakip sa mga aktibista at mga organisador sa komunidad,” said Dayrit in an interview.

(It is a serious accusation to tag me as a rebel who needs to clear [his name] and surrender to authorities. Especially now when activists and community organizers are being captured left and right.)

Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista, Jr. advised Dayrit’s mother that he should just surrender to the Mayor’s office to “clear” his name. 

Bilang paglilinaw, ang pagiging aktibista ay hindi tulad ng pagiging komunista. At higit lalong hindi kapantay o napapaloob ang dalawang kategorya sa terminong terorista,” added Dayrit. “Kung mayroon mang mas maliwanag pa sa sikat ng araw, yun ay ang terorismo ng estado kung saan maging ang mga batayang karapatan na nakasaad sa Saligang Batas ay nilalabag ng mga ahente ng estado.”

(To clarify, being an activist is not the same as being a communist. And more importantly, these categories do not have the same bearing as the term terrorist. If there is one thing that is much clearer than the sun, it is the terrorism of the state wherein the basic rights enshrined in our Constitution are being violated by state agents.) 

Chilling effect

Dayrit described the incident as worrisome and alarming, especially for his family. Had his mother not known the intelligence official, he fears that he would’ve been captured by state agents by now for interrogation. 

Nakakapag-alala na iniisip mo bawat oras kung ligtas ka ba o ang iyong pamilya. Walang katiyakan ang bawat araw. Ito ang ligalig na dulot ng redtagging,” said Dayrit. 

(It is worrisome that you have to think every hour if you or your family is safe. Each day is uncertain. This is the trouble brought by redtagging.) 

Ang tatandaan lamang natin sa ganitong sitwasyon, ang atake sa isa ay atake sa kabuuan. Dapat na tumindig ang buong komunidad ng UP para labanan ang samu’t saring atake sa kritikal at malayang pag-iisip, pakikisangkot sa mga kampanyang masa, kalayaang akademiko, at karapatang pantao,” added Dayrit. 

(What we should remember in this situation is that an attack on one is an attack against all. The whole UP community should stand up to fight the various attacks against critical and free thinking, and be involved in mass campaigns and [the fight for] academic freedom and human rights.) 

The CAL Student Council (CALSC) and the Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) condemned the incident, pointing out that red-tagging has dangerous implications. 

Ang banta sa seguridad ay tahasang paglabag sa karapatan ni Lance. Ito ay isa sa mga porma ng pambubusal ng estado sa mga Iskolar ng Bayan, aktibista, kabataang-estudyante, organisador, at sa iba-iba pang sektor ng pamantasan at lipunan,” said the CALSC in their statement

(The security threat is an outright violation of Lance’s rights. This is one form of state-sponsored censorship against the Iskolar ng Bayan, activists, youth, [community] organizers, and many other sectors of the university and society.) 

Both institutions also reiterated the need to uphold the UP-DND Accord which safeguards the university from the entry of armed state forces, and the immediate call to junk the Anti-Terrorism Law. 

Kaysa tugunan ang sumisidhing krisis pangkalusugan at panunupil sa mga karapatang pantao, pinipili pa rin ng estado ang walang pakundangang pananakot at pandarahas,” said the DFPP. Lalo pa itong pinalala ng pagbabasura ng UP-DND Accord at pagsasabatas ng Anti-Terrorism Law na tinatarget ang mga tumitindig laban sa di epektibo at pahirap na tugon sa pandemya at iba pang hustisyang panlipunan.

(Instead of responding to the worsening health crisis and suppression of human rights, the state chooses to resort to fear-mongering and harassment. This is exacerbated by the abrogation of the UP-DND Accord and the enforcement of the Anti-Terrorism Law which targets those who stand up against the ineffective response to the pandemic and social justice.) 

Dayrit, currently in his second year, is an active member of college and university-wide organizations. He is a member of UP Samahan sa Agham Pampulitika and serves as the current Membership Committee Head of UP Sandigan para sa Ikauunlad ng Kamalayang Maka-Araling Pilipino.

He is also affiliated with other sectoral mass organizations like Alay Sining KAL, Katribu UP Diliman, and Bahaghari – UP Diliman. Dayrit was also the former spokesperson of Anakbayan Central Luzon and was an active community organizer in the said region, where state authorities allegedly documented him joining mobilizations. 

Prior to Dayrit, UP Diliman University Student Council Chairperson Jonas Abadilla also faced security threats after members of the Philippine National Police asked about his whereabouts to his family last April. The officers were said to be asking about his family background. 

“Everyone, not only student leaders, MUST be free to express and amplify our calls!” said Abadilla in his tweet. “We will not remain silent about this.” 

According to the guidelines released by the Office of the Vice Chancellor for Student Affairs, a crisis management team will aid the student who has been a victim of red-tagging. Dayrit is currently coordinating with university officials to help him formulate legal actions.

UP Diliman Chancellor Fidel Nemenzo, meanwhile, is continuously restructuring the UPD Community Security which shall serve as an avenue to collate and respond to issues of security and safety faced by members of the university. 

With the recent spate of red-tagging and security threats faced by students of the university, the pressure to uphold and strengthen the UP-DND Accord persists.

STAND UP CAL Stands Unopposed in 2022 CALSC Elections

By Andrieu Guilas

The College of Arts and Letters (CAL) College Secretary released last April 11 the final list of candidates for the upcoming local college student council (SC) elections. 

For this year, only the Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND UP) CAL will participate in the upcoming elections after KALikha: Kasama ka sa Paglikha ng Arte at Literatura Para sa Bayan (KALikha UPD) decided to opt out to focus on on-ground campaigning for the Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem in the national elections.

This is the first time in a decade that STAND UP CAL is unopposed in the upcoming CALSC elections. The last time the party ran unopposed was before the inception of KALikha UPD, the political party in CAL associated with the university-wide formation UP Alyansa ng mga Mag-aaral Para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran (UP ALYANSA), in 2012.

Outgoing CAL Representative to the University Student Council (USC) Chedd Miguel Lemsic, outgoing Department of Art Studies (DAS) Representative Arvin Cagape, and incumbent CALSC councilor Maria Stacey Gail Daniel will serve as STAND UP CAL’s standard bearers running for the positions of chairperson, vice chairperson, and CAL representative, respectively.

Meanwhile, their councilor lineup consists of outgoing CAL Freshies, Shiftees, and Transferees Council (FSTC) members: Venylee Joy Asuncion, Romel Elijah Berona, Aleana Ria Estilon, and Erwin Gulapa. The party failed to field in two more candidates to complete the lineup. 

STAND UP CAL’s candidates for department representatives are: Princess Liu Villanueva for DAS, Trixia Marie Policarpio for the Department of English and Comparative Literature, Jazmine Jan Pendrosa for the Department of European Languages, Michelle Ann Ortega for the Department of Filipino and Philippine Literature (Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas), and Sophia Ricci Ellorda for the Department of Speech Communication and Theatre Arts.

The official campaign period will run from April 18 until April 30 only, while the voting period will take place from May 2 to May 8 with the first three days allotted for manual voting.

KALikha UPD shifts focus on national elections

STAND UP CAL’s opposing party, KALikha UPD, will forgo participation in the 2022 CALSC elections to focus on the on-ground campaigning of the Robredo-Pangilinan tandem in the upcoming national elections which will also take place in May.

“We believe that given the timeline provided, our undivided focus is needed to support on-ground work to campaign for progressive leaders. Likewise, we implore the student body, along with the candidates and their affiliations, to also contribute to the efforts of the national campaign by whatever means necessary and possible,” according to KALikha UPD’s official statement posted on Facebook last April 12.

As mentioned, they will leave STAND UP CAL unopposed in the council race to represent the student body of CAL for A.Y. 2022-2023. STAND UP CAL has consistently dominated the council positions in the previous election cycles. 

CAL Students in the USC Elections

Outgoing CALSC Education and Research Councilor Daniel will be running for the position of CAL Representative to the USC in the upcoming campus-wide student council elections, according to the final list of candidates released by Halalan UP Diliman posted last April 12.

Other notable students from CAL running for USC positions include Lumad student Catherine Dalon and Xyril Einzen Salazar, outgoing CAL Representative to the UFC. Both are running for councilor posts under STAND UP.

Election dates for the USC and the local college student councils are the same, with election proceedings using the same software.

In a memorandum released last April 12, CAL college secretary Prof. Vina Paz reiterated the policies for campaigning which include respecting voter’s privacy by not messaging students individually, as well as reminding sponsored Facebook posts to be removed as soon as the campaign period ends.

#HalalanUPD2022